Opinions..
Hi mommies out there .. Gusto ko lng po marinig opinion ng iba pra may pagbasehan ng mga desisyon n ggwin ko .. Ganto po kse un, dto kmi nkatira sa bhay ng parents ko.. Ngayon may ugali si mama n ayaw n ayaw ko gnon dn ung asawa ko .. Ung kda sahod ni mister alm n alm na ni mama at parinig ng parinig n wlng gnto gnyan may mniningil buks may bbyaran mmya at kinukwento p sa kapitbhay ng kung anu ano .. Kya gusto n nmin bumukod so nghahanap n kmi ng mlilipatang bhay ... Ngayon nung sinabi ko kay mama n lilipat kmi rmdm kong msma loob nia, mbgat rn sakn kse dto ako lumaki at mlaki dn ggwin kong adjustment kung skali kse mag isa ko nlng mag aalaga ... Commnt down nmn po ng mga opininon nyo abt dto..
Tumira ka kase sa bahay nia di naman pwedeng libre lahat shoushoulder at shoshoulder ka ng gastos don syempre. Ni minsan di ko pinagdamutan ang mama ko, sampong libo sa sahod ko binibigay ko sa kanya buwan buwan kahit na may pamilya na ko at magkaka anak na iniisip ko kase sino pa ang tutulong sa kanya wala namang ibang magmamalasakit at tutulong sa mama ko kundi ako lang din na anak nia. Ayoko din pagsisihan na kung sakaling kunin na sya (wag naman sana) di ko man lang sya nabigyan ng kaginhawaan, sa lahat ng sakripisyo ng mama ko para mabuhay at palakihiin ako gahit sa ganong paraan man lang masuklian ko yon. Pagnatapos na bahay namin dito ko na sya patitirahin sa bahay namin. Mahal na mahal ko ang mama ko.
Đọc thêmKahit papano ba nag aabot ka sa magulang mo? Baka naman kasi hindi rin. Nakikitira kayo sakanya syempre sguro kahit papano gusto nya yong makatulong kayo sakanya. Di naman sguro magpaparinig yon kung nagkukusa kayo mag abot ng asawa mo. Atsaka kung nakakapag abot kayo dapat i explain mo kung bakit ganon lang naibigay nyo. Para maintindihan nya. Dapat dika nagdadamot sa magulang mo. Dahil in the first place nakatira ka skanya. Kung nagbbigay naman kayo at ganun padin sya much better kung bumukod na kayo kasi bubuo na kayo ng sarili nyong pamilya. Baka in the future magkasumbatan pa kayo kapag nag stay kapa din sakanya.
Đọc thêmSALAMAT PO SA INYONG LAHAT.. OKAY NA PO 😊 LILIPAT N KMI BY NEXT WEEK KASE INAAYOS P YUNG BAHAY NA UUPAHAN NMIN .. ISINAMA RIN NMIN SI MAMA KO NUNG TINIGNAN NMIN YUNG BAHAY AT SPEECHLESS NMN SYA KASE MAGANDA YUNG BAHAY AT ANYTIME PWEDE NMN SYA PUMUNTA SO NO WORRIES. KINAUSAP MA DN PO NMIN SILA NI PAPA KO PINAINTINDI NMIN NA DRATING TLGA KMI SA GANITONG POINT.. NA BUBUKOD AKO SINCE 4 KMI MGKKPATID AT AKO MAY PMILYA NA ... MAY DLWA PKONG MAS BATNG KPATID SO UN PRIORITY NILA AT AYOKO NMN DUMAGDAG. SA BILLS PO SALITAN TLGA KMI MAGBAYAD MAPA GASUL KURYENTE BIGAS ETC. 😊 MAHIRAP PERO KAKAYANIN 💕
Đọc thêmKung jan kayo nakatira sa mama mo pati asawa mo obligado talaga kayong magbigay ng ambag teh .. jusko buti sana kung ikaw lang nakatira jan eh kaya lang pamilyado kana at kasmaa mo sila jan kaya dapat lang magbigay kayo .. Pero on the other hand hindi rin namn maganda ginagawa ng mama mo na panay parinig at chinichismis pa kayo kamo sa ibang tao hahay di tan gawain ng mabuting nanay Kasi kahit pa savihin na may pamilya knang sayo anak kapa din nya dapat di sya ganun
Đọc thêmOkay lang po bumukod kayo. Hindi po healthy sa relationship nyong mag asawa kung may nangingielam (sorry for the term) kayong kasama sa house. Paano kayo mag ba budget talaga if kada sahod nga naman ni mister nyo may iisipin kayong iba. 😊 tanggalin natin yung mentality na dahil gunastusan tayo ng magulang natin obligado na tayong ibalik sa kanila yun. Okay na po yung nakakatulong tayo paminsan minsan at di natin sila pababayaan once na di na nila kaya 😊
Đọc thêmAng hirap nmn ng sitwasyon mo, if kaya nyo bumukod pwde naman. Kasi un tlga gngwa ng nagaasawa ang bumukod, pero ang tanong po ay may makakasama ba c mama mo sa bahay nyo? Kami ng asawa ko nakabukod kami. Ibinukod nya ko simuka nung nabuntis ako sa panganay nmen, hanggang sa eto pangalawa na bby nmen. Kami kng tlgang dlwa ang nagaalaga sa anak nmen. Kdalasan pala ako lang. Kasi pumapasok asawa ki sa work.. Kung kaya ko kayamo ren magalaga ng baby mo in your own momsh,
Đọc thêmMas ok po talagang nakabukod. Pero maganda rin po kung may kasama kayo sa bahay. Kami po ng asawa ko, dito sa mama ko nakatira. Nagbibigay po ako every sahod ng asawa ko. Tapos po, if may mga errands, asawa ko rin po ung tumutulong. Ganun. Parang give and take din po. Mahirap din po minsan kasi may times na parang gusto mo sanang mag decide sa sarili mo. Pero on the other hand, mas madali po kasi may katulong ako laging mag alaga sa baby ko.
Đọc thêmi feel you momshie .. Ganyan din ako . Nahihirapan din ako iwan mama ko kasi wala na ko Papa . Kuya ko naman may pamilya na din .. Ayun sempre naguguilty naman ako na iwan sya kasi parang ang sama sama ko nam nun dahil mag isa na nga lang sya .. Pero kasi hays 😔 hirap kasi lalo na at di naman kalakiha sahod namin mag asawa .. At mag kakababy pa kami .. Di ko din sis maibigay yung advice na dapat mo gawin kasi pareho tayo e 😔
Đọc thêmMas okay po sguro magbukod nalang kayo sis nakakahiya kase kay hubby mo baka pagmulan nyo pa ng away yan parang napaka toxic kase pag ganun asal ni mama mo. Kami kase ni hubby dito din sa bahay namin nakatira ngayon pero hindi nagpaparinig si mama naintindihan nya na preggy ako at naka bed rest so si hubby lang nagwowork, pero kahit hindi sya nanghihingi kami ni hubby nagbabayad ng bills bilang ambag na din namin 😊
Đọc thêmNaku bumukod nalang kayo, sa totoo lang kung ako sa posisyon mo diko gusto ang ganung attitude lalo na't sarili kong ina, Atsaka nakaka offend yun sa asawa mo syempre diba as a parents kung ano lang kaya mo ibigay maiintindihan nila dapt lalo't magkakaanak na kayo, kilangan makaipon, So bumukod nalang kayo, adjust ka talaga ng bongga pero atlist may privacy kayo at hindi maging toxic sa prtner mo,
Đọc thêm
Happy mommy and wife