CRAVING/Chocolates

Hello mommies. Okay lang ba kumain ng kumain ng chocolate? Nahihilig kasi talaga ko ngayon sa chocolates. Dati naman hindi pa ako buntis 'di ako mahilig kasi nasakit ngipin ko konting kain ko lang ng matamis. Pero ngayon buntis nako kahit kain ako ng kain ng chocolate hindi naman nasakit ngipin ko. May stocks ako ng Flattops kasi yun pinaka Fave ko ngayon. Tapos 2packs ng Milo nilalagay ko kapag nagtitimpla ako, 3/4 lang yung water sa mug then nilalagyan ko rin ng Bearbrand na gatas ? Pero di ako naglalagay ng sugar. Biscuits ko chocolate flavor din. Mas okay na siguro na sa matatamis ako nahihilig kesa maaalat kasi may UTI ako. Kakaubos lang ng nireseta saken na gamot para sa UTI ko. Bukas balik ko sa OB ko. 13weeks preggy nako ❤ PS: Possible po ba na tumaas sugar level ko kaka-kain ko ng chocolate?

32 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Please reduce po ang pagkain ng chocolate kasi ang main ingredient po ng chocolate is caffeine which is not good for baby, pwedeng kumain ng chocolate but in moderate lang po. Ganyan din kasi ako, pero pinipigil ko pong makarami ng chocolate, tama na yung nakatikim lang sa araw na yun. Advice po kasi sakin ng OB ko yun and mga co-workers kong nurse.

Đọc thêm

Prone tyo sa gestational diabetes mamsh. Lalabas yan 24th to 28th week. Dahan dahan lang. Nahilig din ako sa chocolate pero ang gawa ko ung tobleron isang piraso lang tpos sa isang araw na ulit. Sobrang sarap pero kelangan ntn mg tiis para kay baby. Kain kdin ng mga gulay at prutas. Gudluck sa ntx vsit mo sa ob mo ..

Đọc thêm

Pwede naman kumain ng chocolates pero hinay hinay lang. Ako din di ko mapigilan pero may schedule pagkain ko ng chocolate pati dami, hanggang 2 bite size lang ng twix o rittersport kinakain ko once a week. Ganon din sa chichirya hahaha pag nakakarami na ko pinamimigay ko na kesa maubos ko

Momsh pag may UTI ka bawal din ang sweets kasi food for bacteria ang glucose, tiis ka muna after na maclear UTI mo saka ka na bumanat ulit ng chocolates. Drink lots of water mommy and buko juice 😊 Nakakarelate ako sa 2 milo, ako namam pinapapak ko lang siya 😂

yes lahat dapat in moderation mapa tamis or maalat kasi both have side effect. sugar level mo tataas sa matamis and may cause you c section and preeclampsia naman sa maalat which cause csection din. this is based on my research

Same tayo ang hilig ko rin sa matatamis lalo na chocolates. Pero madali ako maumay tas after ilang oras kainin ko uli ung natira. Pero tinatry ko bawasan kasi sabi nila prone raw ang mga buntis sa diabetes.

Thành viên VIP

Mommy haha wag masyado ako natakot na di na ako kmainnng matamis malaki na daw ang baby ko sa tyan para sa weeks nya pnagdadiet po ako ngayon more on water po iwas sa chocolates softdrinks and etc

Thành viên VIP

yes po hinay hinay lang po s matamis bawasan po natin yan makakasama din ky baby .mag prutas k na lang sis ako mapili ako s gulay e kya dinadaan ko n lang sa fruits .

Okay lang po ang chocolates pero dapat may limitations din.. At pag madami ka pong nakain na super tatamis, make sure madami ka pong tubig na iniinom din

Hinay hinay lang Momsh. Mahirap magka gestational diabetes. Yun meal plan hirap sundin. Tapos limited lang pwede makain.