hi mommies, nung 5-8 weeks pregnant po ako grabe yung morning sickness ko, walang time na di ako nahihilo na halos di ko na kayang bumangon at kumilos pero everytime na nagpapacheck up ako healthy naman si baby. Nagtataka lang po ako nung nag 9 weeks and until now 10 weeks na po ako today wala nakong nararamdaman na kahit ano, hilo or nasusuka walang wala na halos normal na ulit. Okay lang po kaya si baby? normal lang po ba to? nagwoworry po kasi ako kasi wag naman sana e sign po siya na may nangyaring masama kay baby. naka experience din po ba kayo ng ganto? kakapacheck up ko lang po kasi kahapon and di ko siya nabanggit kay ob so in a few weeks pa po ako makakapatingin ulit. Or wala po bang masama kung magpapa ultrasound ako ulit to check my baby?
Ethel Peniero Espinosa