Body Temp
Mommies, normal pa po ba ang 37 degrees celcius? 4 days old pa lang po si Baby. ?
37.5 below is normal. Pag kukuhanan cya ng temp wag sa tanghali kasi mainit tlaga katawan ng baby sa tanghali. Iwasan din na patong patong ang damit ng baby nkaka cause ng taas ng body temp. Ganun kasi nangyari sa baby ko nung 3wks old cya ginawa kasi ng mama ko balot na balot siya. Naka longsleeves, pajama, medyas, mittens, naka swaddle tpos naka sumbrero pa tapos d pa naka aircon ayun sinugod namin sa er dahil umabot ng 38.4 temp nya. Pag dating sa hospital hinubaran ayun 36.9 lang pala temp.hay kaloka ang mga lola 😂😂
Đọc thêmPasingawin niyo lang po ang katawan. Keri pa naman po yan. Wag niyo po masyadong balutin si baby. Pag nag37. 5 daw po, sinat na yan. Gnyan din baby ko dati.
Normal sabi ng pedia ni baby kailangan din daw mg baby ng medyo init sa katawan.. kasi nagpacheck up ako ng baby ko 37.2c temp nya..
Mami baka sa init ng bahay nyo kaya gnyan temp ni bb. Ung damit nya mami dpat mnipis lng tska wag mxado balutin c bb
Thank you Momshie, kauuwi lang po namin from hospital. Tapos sobrang init kasi talaga dito sa bahay namin eh.
Normal lang momsh. Baka nasobrahan kayo sa balot, kasi mainitin ang baby compare satin.37.5 sinat na.
mataas po kasi talaga yung temperature ng baby. make sure lang na hindi lalagpas sa normal range.
Normal po ang 37 pag lumampas baka may sinat na o palagnat na
Ndi po normal pa check up mo na po mommy. Pra sure..
normal po 37.7 ang may lagnat nothing to worry :)