Check for signs of readiness muna, mie. Kapag napansin mo na ready na sya, simulan mo sa pag identify kung kelan sya nagpupupo, like tumitigil ba sya bigla sa ginagawa nya tapos yung mukhang umiire, or di kaya magtatago or uupo sa sulok or something like that, pag ginawa nya yun, dalhin mo agad sa banyo at kausapin mo na pag pupupo sya, magsasabi sya. Tapos sanayin mo lang na ganun. Tyagaan lang hanggang sa masanay na sya. Basta wag mo stressin sarili mo, mie, kung hindi pa nya makuha kuha, babies will reach their milestones in their own pace. 😉