Nakagat ng pusa at nahihilo

Hi mommies nakagat po ako ng pusa sa daliri nung June 3 pinadugo ko naman at hinugasan ko agad at inuman ko ng antibiotic pero pag gising ko po kaninang 5am June 5 sobrang nahihilo ako hanggang ngayon kahit po matulog ako nahihilo ako. Ano po kaya gagawin ko #1stimemom #advicepls #pregnancy #pleasehelp 24weeks pregnant po ako ngayon

11 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Anak ko laging nakakagat at nakakalmot ng pusa advice ng doctor na wag paduduguin ang kagat dahil mas mataas yung chance na pumasok ang rabbies pinahuhugasan lang ng safeguard at lagyan ng betadine tas dalhin agad sa bite center wag na paabutin ng 24hrs. Tsaka buntis ka mommy uminom ka ng gamot na hindi advice sayo jusme maawa ka sa dinadala mo 😪

Đọc thêm

Hindi ka dapat nag self-medicate kc dapat OB mo mag advise ng iinumin mo or dapat nagpunta ka kahit sa health center sa lugar nyo for immediate assessment. Since nakapag take ka na ng anti-biotic magvisit ka pa din sa OB mo at sabihin mo na uminom ka ng gamot para ma check ka agad at ma assess. Next time mi wag basta basta iinom ng gamot.

Đọc thêm

naku sana nag punta po agad kayo sa OB niyo kahit pinadugo mo yun at hinugasan di ka pa rin sure kung wala ng rabbies tapos dapat di ka rin uninom ng antibiotic lalo kung di naman ni reseta sayo wag po kayo mag self medicate isipin mo din si babay pwede sya ma apektohan sa mga iniinom mo.

naku momsh. inform your ob para ma assess ka. never self medicate. ang alam ko safe naman ang anti rabies sa buntis. nakagat ako noon ng aso pero never naman ako pinagtake ng antibiotic. yung anti rabies vax lang.

mommy NEVER EVER pong iinom ng antibiotic na hindi reseta ng OB. kasi baka mamaya yang ininom mo bawal sa buntis. Dapat nagpacheck-up ka agad kasi nakagat ka eh at avise ka naman ng OB mo na magpa anti rabies.

HELLO PO MGA MOMMIES WAG NA PO MAG WORRY NAKA PAG PA CHECK UP AT NAKAPAG PA TUROK NA DIN PO AKO NG ANTI RABIES. THANK YOU PO SA CONCERN NYONG LAHAT!!!❤️❤️❤️❤️❤️

hi MGA momshie...ano ba ibig Sabihin pag sumasakit Ang tiyan ...I'm 1month and 9 days pregnant..natural lang poba un..

hala wag kang basta basta nag tatake ng gamot momsh mas okay mag pa consult ka para safe kayo parehas ni baby

pag kagat mommy matic yun delikado.. bat di ka nagpacheck up agad..

Nireseta ba ni OB mo mommy ang antibiotic?