Hilot for preggies

Hello mommies, may mga hindi po ba nagpapahilot dito pero normal naman po yung pregnancy or pag anak niyo po? Oldies kasi keep on saying na magpahilot ako para ma pwesto si baby. This is my 2nd pregnancy and nagpahilot ako sa first baby ko but nagdadalawang isip ako ngayon since wala akong makitang manghihilot kasi sa first na humilot sa akin lagi kaming inaadvise na bumalik sa kanya 3x a week and hindi sang ayon si hubby that time kaya we stopped. My question is OKAY LANG PO BA HINDI MAGPAHILOT AND NORMAL LANG PO BA KALABASAN NG PREGNANCY? 30 weeks here, Team May 22 #pleasehelp #advicepls #bantusharing

11 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ako pangalawang pag bubuntis ko na to and same sa panganay ko na nag pahilot din nasa sayo naman din yan mima kung san ka mas mapapanatag at mapapalagay, nakasanayan kona din kasi sa panganay ko at dun din ako nag pahilot ngayon sa pangalawa kong pagbubuntis. depende lang talaga yan saatin ako din sinabigan 3x mag pahilot pro ang gagawin ko babalik ulit kapag kabwanan na para hindi na mangamba kung suhi or naka pwesto na.🥰😇

Đọc thêm
Thành viên VIP

mga matatanda lang nmn madami sabe sabe ganyan nasayo parin kung maniwala ka sa hilot.. ung 1st and 2nd baby ko walang hilot hilot...pero etong pang 3rd ko nag prenatal massage ako dahil masakit ung balakang at likod ko dahil sa bigat di baby at medyo tumatanda na rin kc..special massage sya para sa buntis at nakakaginhawa ng pakiramdam...medyo mahal nga lang pero worth it nmn

Đọc thêm

Wag ka magpahilot ng tyan dahil baka mapahamak pa kayo ni baby pwedeng maputol or masira placenta na nakakabit sayo. Pwede mamatay anak mo. Maaga pa naman yang 30weeks kung breech baby mo, may paraan naman na iaadvise ng ob para maging cephalic sya like mag lakad lakad. Laging patugtugan si baby at ilagay yung sound sa puson area mo

Đọc thêm

wag na po ipahilot kasi mas delikado ang sabi ng midwife ko possible daw po kasi mag cordcoil si baby kung mahaba ung cord kung maiksi naman baka naman daw mapwersa at maputol kaya di daw talaga advisable ung hilot .. importante sinusunod mo bilinnng obgyn mo or ng midwife

me to po sa panganay ko hinilot po Ako noon para maayos si baby .. at naging normal po panganganak ko ...ngayon po 2baby ko Wala Ako hilot sana ok po panganganak ko 35 weeks and 5 days preggy po Ako.

ako never nahilot sa 2 kong babies, normal delivery lahat. actually divadvisable ang hilot kung tydn ang hihilutin pero kung simpleng backpain at legs/feet pain okay lang.

since 1st baby ko may prenatal massage aq. Search ka po online kung sino license. wag po basta basta mag pa lamas ng tummy

Yes po. Di ako nagpahilot sa 1st pregnancy ko. Normal naman po and pumwesto si baby ng maayos on her own

Thành viên VIP

Thank you po. At ease na ako na wag na magpahilot po 🥰

bawal po mag pahilot as per ob po