Is it ok na uminom ng Soft drinks pag buntis?
Hello mommies! Meron po ba dito sainyo ang nahilig ng soft drinks noong nasa 2nd trimester ng pagbubuntis? Lately nahilig po kasi ako ng pag-inom ng Royal lately, naalarma lang po ako ngayon kasi andami kong nabasa na bawal ang soft drinks sa buntis. Sa mga nanganak na po na nahilig sa carbonated drinks noon kumusta po ang babies niyo now?
Nung 1st trimester ako oo mahilig ako mag rc halos araw araw softdrinks lang iniinom ko walang tubig tubig, di ko pa kasi alam na buntis ako non. Magmula nung 4 months ako nalaman kong buntis ako kaya tinigil ko muna nag water theraphy nako kahit di pako nakakapag OGTT. Kapag kakain kami sa labas ice tea lang iniinom ko di na talaga ako umiinom ng softdrinks kaya iwas muna pag inom ng softdrinks baka mag premature ka.
Đọc thêmHuhuhu adik din ako sa royal nung 2nd tri ko, pero ngayong 3rd tri pikit mata na lg tapos binilhan ako ng madaming tumbler ng asawa ko para sa tubig nakaka tatlong tumbler ako na tig 1.1liter, dahan dahan mo na lg pag roroyal, hndi naman daw ganun kalala ang epekto, either big baby ang labas ni baby or parang drowsy sya,
Đọc thêmBawal ang softdrinks sa buntis mula sa simula ng first trimester hanggang sa 9th months. Yan ang pinakatukso sa buntis. Disiplina lang sa sarili. Nakakapagpalaki yan ng baby sa loob ng sinapupunan.
ako mula 1st upto now 3rd pregnancy ko nag sosoft drinks ako pero d naman araw araw di naman ako nag kakainfection sa ihi ok din sugar ko normal lahat bsta more water lng after uminom softdrinks.
ako cmula nung nlaman kong preggy ako never ako uminum ng bawal. water lang tlga til now. 7 mos. kc ayaw ko mei mngyre d mganda k baby. mas gusto ko magtiis pra k baby. ❤️
Same tayo momsh 😊
Ako po umiinom pero in moderation lng ,incase din maka inum ako dinadamihan ko nlng din ng tubig ,pero isang baso lng tlga ang softdrinks na iniinum ko di nako lumalagpas.
Yari ka kung d kpa nkkpag OGTT. 😋 pero mommy hanggat maiiwasan iwasan. water nlang. tiis muna. nkkalaki ng baby yan kung ayaw mo ma CS.
Tama ang sugar level lang talaga tapos sasabay pa ang UTI.
As much as possible, bawal po ang softdrinks sa buntis dahil nakakalaki po ng bata. Pero kung ndi mo talaga mapigilan, pwede basta in moderation.
Yun na nga po nakakabahala kasi nakaka-ubos ako ng 1.5 litro ng royal sa isang araw. Ang ginagawa ko iniiwan kong nakabukas yung royal para mabawasan yung acid niya saka ko ilalagay sa freezer para as in sobrang lamig na siya, tapos pag iniinom ko para na siyang halo-halo na may pinong ice. After kong mabasa na delikado sa bata wala na, nagpanic na ako.
Masama yan mommy aside sa mataas sa sugar magkaka UTI ka pa. Avoid mo na mhirap magka UTI pag buntis ka pwede mapremature baby mo.
Better not. Lots of sugar and not good for the growing fetus. If mag crave ka, it's ok to just taste it. 😘
23| Mum of Alexa