Weight of the baby

Hi mommies! Maglalabas lang ng sama ng loob. yung MIL ko kasi lagi niya sinasabi na ang liit liit daw ng anak ko para sa 10months. pakainin ko daw ng lugaw parati at damihan ang pakain. Nung 7 months old palang si baby ganon na siya 😥 Ngayong 10months si baby ganon pa din sinasabi niya. Ang height ni baby ay 74cm at 10kg siya. base naman sa app dito na reach naman ni baby yung weight at height, di pa kami nakapunta sa pedia kaya nagwoworry ako 😥 Ngayon pinapakain ko na ng kanin at mashed na steamed na gulay si baby tas minsan gumagawa ako ng sabaw pinapakulaan ko yung ibang mga gulay at hinahaluan ko ng malunggay. Di ko alam kung may mali ba sa feeding ko kay baby kasi lagi niya sinasabi ang liit daw 😥 hayy FTM here.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Factor din kasi ang genes, halimbawa slim ka or hubby mo pwedeng mamana yun ng baby mo. Parang ako, nung baby ako maliit ako sabi ng ate ko kaya yung panganay at bunso ko namana nila yung katawan ko nung baby kahit chubby ang papa nila.

4y trước

yung hubby ko payat din nung bata. ewan ko ba sa mil ko hayy