POSTPARTUM DEPRESSION

Hi mommies I've been suffering on PPD everyday kami lang lagi ng baby ko naiiwan sa bahay since yung lola ko may work at uuwi gabi na yung asawa ko naman stay in sa work nya every sunday lang sya uuwi lagi akong stress lately kase yung baby ko ayaw matulog ng gabi simula alas otso ng gabi hanggan alas singko ng umaga sya gising minsan alas sais na sya ng umaga natutulog tapos gusto nya lagi karga ayaw nya sa duyan magdamag ko sya hinehele tapos iyak pa sya ng iyak pati ako umiiyak din minsan yung inis ko nabubuntong ko sa baby ko pag ayaw nya tumahan padabog ko sya nilalapag then maya maya kukunin ko sya tapos yayakapin tapos magsosorry ako habang umiiyak ang hirap pala ng ganito yung wala kang katuwang sa pag aalaga tapos dagdagan pa ng gawaing bahay. Please don't judge me po #advicepls #1stimemom #firstbaby

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

sobrang hirap po tlaga pag nasa stage po kayo na ganyan yung ayaw magpatulog ni baby then may iba pang gagawin tapos wala pang katuwang. Tips ko lng sayo mamsh para d mo mapagbuntungan si baby always do this " inhale then exhale " para kumalma kayo. If naiinis ka na ibaba mo muna si baby then isecure mo sya na d sya mahuhulog or ano then idistansya mo sarili mo or talikuran mo muna si baby tapos syaka ka mag inhale exhale para kumalma ka then think of positive thoughts or good memories nakakahelp din yun para kumalma ka. Kawawa din kc si baby if mapagbubuntungan mo. Kayo lng din kasing dalawa yung magkasama eh. Patience lng sis, habaan mo pa pasensya mo always think na mahal mo si baby. About naman sa gawaing bahay, if kaya ka tulungan ng lola mo sa gawaing bahay magpatulong ka or atleast magpatulong ka sa apo nya. Kung alam mong ayaw ng lola mo na kumilos pa baka pwedeng ibigay mo muna si baby sa lola mo para ikaw na lng yung gagawa ng gawaing bahay. Atleast nagkakaroon ka din ng time para makapag isip isip.

Đọc thêm
3y trước

thankyou po sa advice gagawin kopo yan ..naaawa din po ako sa baby ko yung lola kopo kase madaling araw aalis tapos uuwi po sya mga 6pm na galing sa trabaho nya pagod din sya pag uwi