8 Các câu trả lời

Same mi pahirapan din ako sa pagpalit ng diaper ni baby ko, hindi naman sya umiiyak pero sobrang likot nya. Gusto nya kunin diaper nya tas kakagatin nya. Sobrang likot ang tagal ko palitan ng diaper

Same with my 8 month old baby boy hehe. Ang ginagawa ko po is binibigyan ko sya ng hahawakan nya or kinakausap ko po sya ng alam kong matatawa sya haha. Pag wa epek, ayun cp cocomelon 😂

ganyan din LO ko hirap ng palitan ng diaper kase malikot na kaya pinalitan ko na ng pants ung diaper nya para kahit maglikot o dumapa sya masusuoutan pa din

Anak ko malikot lang pero hindi umiiyak baka hindi siya comfortable sa diaper niya, naiinitan siya or nangangati, ano ba brand ng diaper mo mi?

ako binibigyan ko nalang sya ng isa pang diaper na bago para dun attention nya hahaha ganyan din baby ko ang kulit pero d umiiyak.

normal lang yan sa ganyang edad. kaya gamit na namin ay yung pants para di mahirap magsuot kahit nakatayo sya o nakadapa pa.

Baka masyado pong mabagal maglagay ng diaper kaya naiiyak sya.. or baka may masakit pag nagdadiaper sya.

kantahan mo mima or kaya kausap kausapin mo

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan