CS or Normal Delivery?

Hi mommies. Im FTM. regardless of position ni baby pati financial. Kung makakapili kayo sa CS or Normal Delivery, anong prefer nyo? May friend kasi ako na nagkwento, pwede raw sya mag normal pero pinili nya mag cs para sure safe si baby.

14 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Have tried both normal and CS delivery. Pag manganganak ka po 50-50 po yan kahit anong type ng delivery wala pong sure na safe kaya pray po talaga mi and have a healthy lifestyle po especially ngayon na buntis ka. 1. Preferred ko po normal nag heal lang agad 2 weeks totally healed na pero CS at least hanggang 4 months umiwas ka sa mga mabibigat ba bagay at gawain. 2. For normal less than a day pwede kanang lumabas, but CS need to stay at least three days 3. Kung normal pwede kapa NBB at walang mabayaran sa public, but sa CS mag handa po kayo ng malaking amount. Sa private nasa 150-200k ang CS po. Mas marami pa akong pros ng normal kaysa CS to mention dito. Basta mi pag kaya mo talaga at ni baby try ma normal mo po. Operation po ang CS na mag stitch at hiwa ng 7/8 layers ng balat natin.

Đọc thêm
4mo trước

tama po mi, plus di po pumapayag yung mga doctors na e CS ka agad kung kaya normal. May Pina follow silang protocol kung pasok ka ba sa CS.

I'm ECS, 2mos PP. if scheduled CS ka you won't feel the labor pains unless contractions are present na prior to your operation, after operation mo mararamdaman un pain everytime na gagalaw ka and not that comfortable magpabf since may tahi but for me tolerable naman (high pain tolerance). pero I'll still choose normal delivery, isang araw na sakit na lang and mas mabilis ang healing also mas madali magpabreastfeed after, mas madali din kumilos since napakabusy ng after panganganak.

Đọc thêm

Ako kung papipiliin, normal sana ulit.. after a month lang Kase magaling na tahi ko nun.. at parang back to normal na katawan.. kahit ano position Keri mag pa breastfeeding agad.. unlike sa friend ko na cs.. matagal na may iniinda pa din sya sa tahi nya at un din reason bat di sya nag ebf Kase di sya makatagal na nakaupo at di nya mabuhat Si baby dahil sa tahi nya sa tiyan.. tapos kung sa gastos lang below 10k lang bayad ko year 2022 sa normal delivery ko.. budget wise na din..

Đọc thêm

ayoko ma CS mi.. pangit may hiwa sa tyan kaya pinilit Kong inormal delivery... tska naka bed rest lang mi mga 1 month yun masakit tyan.. unlike normal delivery. labor lang mahirap after nun wala na sakit.. ako nun parang naka lakad na ako agad. parang nailabas lang si baby.. 😅 wala kahirap hirap postpartum.. yun lang suggestion ko base sa aking experience.. wish ko lang sa second child ko ma normal ulit. Pero kung no choice ayaw Niya mag palabas. emergency CS talaga..

Đọc thêm

me po ecs 1month pp, kung sa panganganak lang mas ok para sakin ang cs. naranasan ko po maglabor for 24hrs na puro sakit talaga pero ending biniyak pa rin ako. balik normal na po ko sa mga gawain kahit 2 weeks palang po tahi ko nun, all around stay-at-home mom and wife po ako. mga halos 1 week ko lng ininda yung tahi ko, pero makirot pa rin ang tahi pag malamig ang panahon 🥲 yun lang problem ko, buti wala ko nung sakit-sakit sa likod o katawan

Đọc thêm

I'll go for normal delivery. Major surgery ang cesarean section so baka mas mahirap and mas masakit para sakin ang recovery (I have low pain tolerance plus allergic pa ko to most pain meds). Sa panganay ko 3rd degree episiotomy palang mahirap and super painful na for me, plus being a FTM taking care of a newborn pa is challenging, I can't imagine kung na-CS pa ko.

Đọc thêm

I would go for normal pa rin. Nakaligo at nakalakad na ako agad. Yung recovery ang mas madali, plus mas mahal talaga ang cs. Hindi po totoo na mas safe lagi ang cs Depende po sa lagay niyo ni baby during active labor. Kung kaya i-normal, go for normal delivery. nagse-self heal din ang katawan natin ng kusa :)

Đọc thêm
Thành viên VIP

depende po sa case Mi. may iba po na wlang complications at kya inormal. may iba po na elective or emergency CS because pocble na manganib buhay ng mommy or ni baby or both. ung iba nman po na naCS na b4 pde din mag Vaginal delivery. depende po sa sitwasyon.

mima wag ka din maniwala kailangan ma CS. additional lang yung sa doctor. gusto kumita.. palakas ka lang ng loob mi. at practisin mo na lagi ang breathing exercise. at walk walk Parati para magaan lang si baby kapag labor na..

First choice ko is CS since takot ako baka kung ano mangyari kay baby dahil FTM ako @33 yo. But my doctor insisted na mag normal dahil mas healthy daw kay baby pag v@ginal delivery. Good thing na normal ko si baby.