Impulsive buyer
Hi mommies! I'm at 21 weeks of my pregnancy and napapansin ng partner ko na kung ano ano na binibili ko for my baby (baby clothes & essentials) and sarili ko ( maternity clothes, make up/skincare & cravings). To be honest sobrang impulsive ko recently, di talaga ako ganto before. (Don't worry, working po ako so lahat ng ginagastos is money ko). Idk pero gusto ko iblame sa raging hormones ko, what do u guys think? ? Btw here are some examples I've been buying and more...
Same. Came to a point during my pregnancy na almost everyday may delivery ako nareceived from shoppee/lazada. After ko manganak saka ko narealized na ang daming ko binili na di nman nagamit at magagamit.
Okay lang po yan, as long as pera mo naman para wala masabi iba sayo. Ngayon lang yan kasi nakaka enjoy talaga mamili. Pero iwas sa sweets. Baka yan pa magpahirap sayo pag kabuwanan mo na.
Same here sis nakaka excite kasi tlga mamili ng gamit ni baby kahit pang 3rd baby ko na mhilig p din ako mag buy ng things ni baby at things for my pregnancy. Enjoy mo lng yan sis☺️
Ganyan din ako nung 5 months, sobrang impulsive. Umiiyak ako kapag di ako nakakabili ng gamit ni baby kahit medyo malayo pa naman 😂 Ngayon complete na gamit ni baby at 36 weeks 🤗
Ako din sis. Ang sarapumili ng gamit ni baby diba. Kaya pag bibili ka sis pati yung pang next month na ganun. Pang 3-6 months niya para di tambak yung mga pang newborn niya.
True.. Mabilis ng lang daw talaga ang laki nila baby so puro pajama and pambahay lang ang binili ko for newborn. Tas iba pang 3 months and up
Okay lang yan! Paghahanda rin yan for baby. Nung buntis ako super na addict ako sa online shopping! Pero halos lahat gamit ni baby na alam kong magagamit nya paglabas nya.
same here momsh☺️kung anu anu binibili ko lalu gamit ni baby at pgkain n gusto ko. 6mos preggy here kompleto n gamit c baby. wipes nlang di ko p binili kc bka matuyo
Ganyan din ako. Napapagalitan na ko kase kahit di kelangan binibili ko 😅 pero ipipilit ko na kelangan ni baby or magagamit ni baby at matagal naman maexpired hahaha
Same tayo, dumadating pa ko sa point na nagagalit ako kasi wala pa ako nabibili na iba pang needs ni baby although malayo pa naman 😅 May pa edd ko 😂
Iwas lang po sa mga sweets and with regards sa stuff mo and baby there's nothing wrong with that if it makes you happy. Magagamit niyo din naman yan hehe
Happy Mom