NSD to CS

Hello mommies. I hope mapansin to for the last time. ? Nalulungkot ako. Hindi ako makapag isip. 6.3cm Amniotic fluid ko. im 39weeks exactly base sa LMP pero sa utz march 08 pa EDD ko. Hindi na daw normal, nasa border line na sabi ng OB ko. Sabi ko sa kanya, doc ayaw ko po sana ma CS. normal po ako sa 1st ko eh. Ang mahal din po ng CS. Mostly ang kinatatakutan ko yung ooperahan ako. Pakiramdam ko hindi na magiging normal pamumuhay ko e ?. Lagi ko iisipin yung opera ko baka bumuka. Madami na ipagbabawal na gawain. Pwede naman daw ako mag induce. Force labor. Pero matagal yun. 9hrs what if matuyuan na daw lalo si baby. Biglang humina heartbeat. Emergency CS din daw ako nun. At ang risky na rin non sa baby. Na i.e nya ko kanina, pero mataas pa daw 1cm inopen nya pilit kaya eto may blood clotting ako tapos may mild contractions ako na very light parang nireregla lang. Kung nasa 4cm na daw sana ako okay na okay pa sa force labor. Nag suggest din sya na if ever na force labor ako, sa ospital na accredited sya. Para kung iemergency CS man ako andun na kame agad. Sa CS. Package nya 50k , yung isa 60k. Di na namen alam ni hubby ko ang gagawin. Any opinions nyo po mga mommies ?

46 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Cs na po wag nyo na po i-risk kayong dalawa ni baby, kasi baka kakahintay mo ganon parin mangyare cs parin. Wag ka po matakot na dika na mamumuhay ng maayos, may asawa ka pong tutulungan ka sa lahat. Chaka dasal lang mommy😊 God bless

Okay lang ma CS ako nga sa edad na 18 nuon sa panganay ko emergency CS ako.. Oo matatakot ka at mapaparanoid pero sa isip mulang yan gagaling din yang sugat mo.. Halaga si baby mailabas ng maayos nd malagay sa alanganin

Sis ang pera nahahanap ang isipin mo yong safety nyo lalo n ng baby mo,ako cs din nung dec 31,2019 dhil close cervix ako almost 70k binayaran nmin pero awa ng diyos healthy ang baby ko at ok nman ang opera ko

Kya aq ngpapcheck up aq s public hospital aside n my ob aq s lying inn kc mahirap na malagay sa alanganin mabuti ng my options in case n ma CS ako di gano kalaki ang bayad sa public hospital..

Better go for the emergency CS po.. isipin nyo na lng po na safe po kayong dalawa ni baby and makakapiling nyo na xa. I think pwede po kayo humingi ng tulong financially sa PCSO?

Thành viên VIP

Think of your baby first momsh.disregard mo kung ano marrmdaman mo sayo after kase wala naman tlgang madali sa panganganak.. good luck po and have a safe delivery💙

Elective cs. Mas mapapagastos if maging emergency CS. Life and death situation yan so better dun tayo sa safety nyo ni baby. money can be earned. We only have 1life.

Follow ur OB mommy sila ang may expertise, safety nu ni baby importante, if mag normal delivery ka at magkaroon complication CS rin po gagawin sayo , pray lang mommy

Follow your OB. Safety po ni baby ang isipin nyo. Ang pera nmn napapalitan pero ang buhay hindi. Ganyan tlga pag kulang na amionotic fluid ecs tlaga yan.

mura na ang 50-60k para sa CS., ikaw ang magdecide kung ipush mu yan kasi ikaw nkakaalam kung anu mas mabuti sainyo ng baby mu