Increase milk supply

Mommies, I just gave birth. Nung nasa ospital pa kami ni baby, unlilatch talaga since sa public lang ako nanganak, bawal bottle feeding dun. May output naman sya (poops at urine) which means kahit papano may nakukuha sya sakin tama po ba? Ngayon po nakauwi na kami, parang wala na sya makuha sakin. Same lang din naman paglalatach namin nung nasa ospital pa kami. As in iyak ng iyak. Naawa ako baka kung mapano kaya napilitan na muna kami bumili ng formula milk. Pero di po ako susuko sa pagbreastfeed. Penge naman po tips. Nagtetake po ako ng malunggay capsules at malakas po ako sa water. Medyo stressed lang po ako kase naawa talaga ako sa anak ko sa sobrang iyak nya. Alam ko nakaapekto po yun sa daloy ng milk. Please help me po. 😢

16 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

hi mi. madami cause ung iyak ng iyak, doesnt mean na gutom agad. baka sa diaper? binabanas? gas? and so on. kasi as long as may output si baby, enough gatas mo. the more na iniisip mo po na wala ka milk, lalo kang mawawalan. more demand, more milk. the more po na na eempty ang breast, the more po na gagawa ang body natin ng milk. kung sa check up nyo di naman bumaba ang weight ni baby, enough po milk mo mommy. tsaka ganyan po talaga pag newborn, sobrang iyakin. baka hinahanap nya po ung warmth and hele. ganyan kasi baby ko, ayaw papalapag. also, kapag newborn may mga times na cluster feeding sila kaya dede sila ng dede. madali din ma digest ang breastmilk kaya minsan di talaga maiiwasan na isipin na baka di nga enough milk natin. kala ko din hindi enough milk ko pero as per pedia thriving naman si baby. also, sabi nga ng ibang comments, check for tongue and lip ties, kasi baka isa din un sa cause kaya di sya makadede ng ayos kaya sya umiiyak. nakaka cause din ng gas ang maling latch. tongue tied baby ko, pinarelease namin nung 1wk old sya and ayun, maganda na latch nya. btw mi, 1yo na baby ko. 1st 3 months, more iyakan talaga kaming 2 kasi minsan di ko rin ma figure out bakit sya umiiyak. Natuto nalang din ako matulog ng nakaupo habang karga si baby kasi dun sya comfy. At around 5-6 mos, dun na sya pumapayag na magpalapag ng matagal kapag matutulog. makakaraos ka din mi. 🩵

Đọc thêm

Skl. ako din po 1mo post partum. pang 3rd baby ko na po si bunso pro first time kong mag pa breast feed. first 2 child birth ko po kase I failed dahil sobrang sakit. Ganyan din po ako, promote po ang breastfeeding kahit na sa private hospital ako nanganak. Wala po akong kagatas gatas while nsa hospital po ako, naawa po tlaga ako sa anak ko kase iyak ng iyak that's why ng formula muna ako. Until now nka mix feed ako. Meron na po akong milk pro not enough kase prang 10oz lang po ang napa pump ko everyday for both breast nung nakauwi na ko frm hospital , I have tried everything from milo, m2 to malunggay capsule. waepek po. what I can vouch na effective po is unli latch and pump ka every 2hrs ( demand and supply). Now, I can pump 30oz everyday both breast. Kulang pa din for me pro it's a good improvement from 10oz 😅 Feeling kopo factor din ung tulog, kase since newborn pa si LO, 2hrs to none lagi ang tulog ko 😅. Pump lang ng pump and unli latch soon mag aadjust din po yang milk supply natin. aja mommy! 💪

Đọc thêm

Sa public hospital po kasi,pinopromote po tlga nila ang breastfeeding kaya bawal ang boti,sabagay mahirap na sa panahon ngayon mahal ang gatas mas safe masustansya ang gatas natin para my baby.ako nong bagong anak ako lagi ako nag gugulay ng fresh malunggay para marami akong gatas..tapos pag tulog po ung anak mo matulog ka din para maka bawi ka ng lakas kumain ng masustansya at higit sa lhat laging po tayong mag dasal na mka survive po tayo sa araw2 nating buhay.

Đọc thêm

Kumusta po latch nya? Okay ba? Check mo din ung tongue or lip nya baka may tongue or lip tied sya, nag cause din kasi un ng pain sa part ng baby every time na mag latch... Mas best patingin mo sa pedia baka may iba pang reason.. Stop mo po mag formula feeding kung gusto mo maging successful ang breastfeeding journey mo. Consider mo mo din mag consult sa lactation expert para ma guide ka ng mga dapat gawin.

Đọc thêm

Mamsh ftm here wla akong kagatas gatas as in nung nanganak ako neto lng aug 8 tinry ko magpadede wla dn makuha si baby super duper effective PINAKULUANG MALUNGGAY TAS MILO NGAYON napakalakas ng gatas ko kaya d na ko nagmamalunggay namamaga na yng dede ko sa dami ng gatas try mo sya

1y trước

papakuluan po ung malunggay ung pinakakatas po non ihahalo nyo po sa milo instead na mainit na tubig

Influencer của TAP

same, pero after 3days namin sa hospital non kakainom ko ng Moringga (malunggay capsule) bongga na gatas ko hanggang makauwi. try mo po moringga capsule tas lagi po kayo kakain ng masasabaw

baka meron po may iba lang underlying cause. konti lang po need ng newbor kasi maliit lang tummy nila.. baka di comfortable sa paligid po..or sa damit baka naiinitan, or baka may kabag..

try mo rin po mag breast pump para makita mo rin gano karami milk supply mo. and syempre tyaga lang tlga padedehin mo lng si baby. siya rin magpapalakas ng supply mo

try mo po ito mommy .. effective po yan , nasubukan ko na sobrang dami nalabas sakin nung uminom po ako niyan .. ihalo niyo po yan sa water ..

Post reply image

m2 malunggay na hinalo sa milo mi. yan nagpalakas ng gatas ko. maya't maya nga rin palit ko ng damit non kasi lakas ng tagas hahaha