PAANO E WEAN SI LO

Hello mommies! I badly need your suggestions. Yung lo ko turning 3 years old na pero breastfeeding parin. Gusto ko sana e wean na sya kasi masakit na talaga sa nipple as in at gusto ko nang bumalik sa trabaho para makaipon sa pag aaral nya. Halos na try ko na lahat ng gatas baka kasi may gusto syang lasa pero ayaw parin nya. Ibat ibang klasi ng bottle na rin binili ko pero ayaw pa rin nya, nasusuka talaga sya parang nandidiri sa lasa. Kahit baso or sippy cup ayaw nya. Pina try ko rin sya mag chuckie baka sakaling magustuhan nya yung choco na gatas pero ayaw nya ng kahit anong inumin except sa tubig at breastmilk. Magana naman syang kumain pero sabi kasi ng doctor need na daw syang e wean kasi wala na daw syang nakukuhang nutrients sakin. Na try ko na rin mag lagay ng kung ano ano sa nipple ko para ayawan na nya kaso tinitiis nya.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Hi, mommy. Parang hindi po BF advocate si doctor niyo? Dito po sa part na 'to: "wala na daw siyang nakukuhang nutrients sakin" 😅 Anyways, have you tried talking to your lo that he has to stop breastfeeding na po? We have the same experience po, but my lo is 2 y.o., I had to wean him kasi 2nd trimester ko sa 2nd baby namin, grabe magcontract yung tiyan ko kapag nadede siya. So everyday ko siya kinakausap na hindi na siya pwede magdede sakin kasi nasakit tummy ko. Kapag gusto niya magdede, ireremind ko siya na di na siya pwede magdede tapos itatanong ko kung anong gusto niya. milk, coffee, or eat rice. (Yung coffee, yun ang tawag niya sa choco na gatas kasi every morning yung daddy niya nagcocoffee. Kaya kapag nag-aalmusal kami, nagko"coffee" din si lo.) Medyo matagal tagal na training din momsh pero awa naman effective.

Đọc thêm
3y trước

underweight na po kasi ako momsh kaya baka nasabi ni doc yun na wala nang nakukuhang nutrients sakin si lo