Inverted ba nipples mo momshie? Ask an OB na breastfeeding advocate kung paano magpa breastfeed pag inverted ang nipples. Kung hindi naman inverted nipples mo, try and try na ipa latch kay baby, ikaw mismo maglapit ng nipple mo sa bibig niya para ma suck / ma latch niya ng maayos. Ganyan ako sa 1st kid ko before, dati pa nga puro left side lang nilalatch niya at nanigas ung buong right breast ko. Kasi nahihirapan din siya i latch, pero hindi inverted ang nipples ko. Kaya saglit ko lang siya napa breastfeed, I think 3 or 4 months lang then nag formula na siya kasi kailangan ko na din mag work ulit. Nung sa 2nd kid ko naman akala ko di na ko capable magpa breastfeed after what happened sa 1st kid namin, pero nung nanganak ako, nakapag latch siya ng maayos, and tumaas naman supply ng milk ko, padede lang ako ng padede sakanya. Before and after magpa breastfeed I always drink lots of water. Nakain ako ng masasabaw na ulam like tinola, nilaga, hinahaluan ni hubby ng malunggay. And until now that he's 1 year and 8 months old, breastfeed padin siya 😊 and I decided na i tandem feeding sila once manganak na ko sa 3rd baby namin, I'm currently 5 months pregnant and still breastfeeding my toddler hehe. Goodluck momshie! 💕 just continue breastfeeding! It's worth it 😘