Hi mommies, first time mom here 16 weeks preggy. Gusto ko lang malaman if normal yung journey ko so far, kasi I feel like di normal yung experiences ko compared sa iba. Petite po ako, low appetite kahit noon pa. Nung first trimester di naman nagbago yun, except sa sensitive na pang amoy, pero appetite yun paren. Wala akong cravings, di ako sweet tooth and more on salty foods ako since noong di pregnant and till now. Nagsusuka ako madalas sa nung first trimester pero awa ng Dyos kumalma na ngayon, pero until now andon parin morning sickness ko. And ang pinaka anxious part ko ay yung water intake. I'm really not a water person I'm trying my best to take more water kaso wala talaga, di ako umaabot ng standard daily water intake nakakatakot ako na these things will affect my baby big time. Imbis na bumigat, gumagaan pa ko. Tinetake ko naman mga prenatal vits ko, pero I'm thinking to stop taking my multi vits now kasi sobrang di kaya yung hilo. Di rin ako nagcocoke or sodas or caffeine. Pero yun nga, di rin ako masiba kumain, sakto or yung usual lang talaga. I'm so worried I'm doing everything wrong.