3 Các câu trả lời
ATTY., MAY ANAK PO AKO SA PAGKABINATA AT SIYA AY NASA NANAY NIYA AT AYAW IBIGAY SA AKIN. PAG NAGING SEVEN YEARS OLD NA BA SIYA AY PWEDE NA SIYA PAPILIIN KUNG SAAN GUSTO NG BATA?" ANG KUSTODIYA NG BATANG ILLEGITIMATE O ANAK NG MGA HINDI KASAL AY IPINAGKAKALOOB NG BATAS SA KANYANG NANAY LAMANG AT WALA NG IBA PA, ANG TATAY AY MAYROON LAMANG VISITATION RIGHTS. KUNG WALA ANG NANAY NG ISANG ILLEGITIMATE CHILD, ANG KUSTODIYA AY PINAGKAKALOOB SA LOLO O LOLA NG BATA SA MOTHER SIDE, AT HINDI SA FATHER SIDE. ANG CUSTODY RIGHT NG NANAY SA KANYANG ILLEGITIMATE CHILD AY NAGSISIMULA MULA SA PAGKAPANGANAK NG BATA HANGGANG UMABOT SIYA NG WASTONG GULANG O EIGHTEEN YEARS OLD. WALANG BATAS NA NAGSASABI NA ANG ILLEGITIMATE CHILD AY PWEDENG MAMILI KUNG SINO ANG GUSTONG NIYANG SAMAHAN. Marami ang nagtanong sa E-Lawyers Online kung pwede ba papiliin ang anak na illegitimate kung kanino magulang niya gusto tumira. Ganito ang tanong ng isang reader ng E-Lawyers Online: "Meron po ako anak sa pagkadalaga at nagabroad po ako at tuloy naman suporta ko. Doon po siya lumaki sa tatay niya pero ngayon ay adik na kaya gusto ko po kunin anak ko. Sabi ng ex-bf ko na dapat daw ay papiliin ang bata kung sino gusto nya sa amin. Nasa batas ba yon atty.?" Ayon sa Article 176 ng Family Code, ang parental authority ng illegitimate child ay nasa nanay lamang. Ang karapatan lamang ng tatay ng isang illegitimate child ay visitation rights sa kanyang anak. Art. 176. Illegitimate children shall use the surname and shall be under the parental authority of their mother, and shall be entitled to support in conformity with this Code. The legitime of each illegitimate child shall consist of one-half of the legitime of a legitimate child. Except for this modification, all other provisions in the Civil Code governing successional rights shall remain in force. Walang batas na nagbibigay ng karapatan sa tatay na papiliin ang illegitimate na anak dahil malinaw ang batas na ang custody ay dapat sa nanay lamang at wala nang iba pa. Ang batas ay nagbibigay lamang ng karapatan na papiliin ang mga anak kung may valid na kasal ang kanilang mga magulang at sila ay naghiwalay na. Ito ay naayon sa Article 102 (6) and 213 ng Family Code: Article 102 (6) Unless otherwise agreed upon by the parties, in the partition of the properties, the conjugal dwelling and the lot on which it is situated shall be adjudicated to the spouse with whom the majority of the common children choose to remain. Children below the age of seven years are deemed to have chosen the mother, unless the court has decided otherwise. In case there in no such majority, the court shall decide, taking into consideration the best interests of said children. Art. 213. In case of separation of the parents, parental authority shall be exercised by the parent designated by the Court. The Court shall take into account all relevant considerations, especially the choice of the child over seven years of age, unless the parent chosen is unfit. Ang pagiging ama ay hindi sapat na dahilan upang sa kanya igawad ang pag-aaruga sa bata. Kung ang ina ay UNFIT o HINDI KARAPATDAPAT upang pangalagaan ang bata, ang kustodiya ay maaaring ibigay sa mga LOLO o LOLA na magulang ng ina at hindi sa paternal side o LOLO o LOLA sa father side. Ang ganitong kaso ay dinesisyunan na ng Korte Suprema sa kaso nila Briones vs Miguel G.R. No. 156343, October 18, 2004. Ang kinakailangan na gawin ng pamilya ng AMA o ang mga lolo at lola ay magbigay na lamang ng suporta sa bata, gayundin ang karapatan na pag-dalaw o visitation rights sa kanyang anak. Ang AMA na bigong mag-bigay ng suporta sa anak ay maaaring panagutin ng pag-labag sa Anti-Violence Against Woman and Children Act na tinatawag na economic abuse. Ang hindi pagbibigay ng kustodiya ng anak ng nanay sa tatay ay hindi dahilan upang itigil ang suporta sa bata. Ganun din, ang kawalan ng pagkakataon na bisitahin ng tatay ang kanyang anak ay hindi rin dahilan upang itigil niya ang kanyang suporta sa bata. Ang pag-iwan ng isang nanay sa kanyang illegitimate child sa tatay o ibang tao ay hindi nangangahulugan na inabandona na niya ang anak. Sa kaso ng Supreme Court sa Sagala-Eslao vs Court of Appeals (G.R. No. 116773. January 16, 1997), ang isang anak ay naiwan sa grandmother dahil namatay na ang father ng mga anak at pagkatapos ay nag-asawa uli ang nanay ngunit nang kukunin na ang bata, tumanggi ang grandmother na wala nang right ang nanay na kunin ang bata dahil inabandona na niya ito. Sinabi ng Supreme Court na walang abandonment na ang pag-iwan sa bata ng nanay sa grandmother ay temporary custody lang sinabi dito na nawawala lang ang parental authority ng magulang sa kanyang anak kung ito ay kanyang (1) pina-adopt, (2) kung siya ay nabaliw at under guardianship ng korte o (3) pag-surrender ng bata sa orphanage. Kung wala dito sa tatlong nasabi ng batas, pwedeng mabawi ang custody ng bata sa pinag-iwanan nito. Kung kaya, ang taong pinag-iwanan ng isang menor de edad na bata ng magulang nito ay may responsibilidad na ibalik ang custody nito sa kanyang mga magulang kung ito ay binabawi na. Ang hindi pagbabalik ng menor de edad na bata ng taong pinagiwanan ng bata ay isang krimen na kung tawagin ay "FAILURE TO RETURN A MINOR" na may parusang kulong ayon sa Article 270 ng Revised Penal Code: "Art. 270. Kidnapping and failure to return a minor. — The penalty of reclusion perpetua (30 YEARS IMPRISONMENT OR MORE) shall be imposed upon any person who, being entrusted with the custody of a minor person, shall deliberately fail to restore the latter to his parents or guardians." Hindi pwedeng gawing dahilan ng kamag-anak o kaibigan na abandonado na ang bata. Ang pag-iwan ng magulang sa kanyang anak sa mga relative ng kanyang asawa ay hindi nakakawala ng karapatan ng magulang upang makuha uli ang custody ng anak dahil hindi ito abandonment. Ang pag-iiwan ay isa lamang temporary custody at hindi abandonment o pagwawaksi ng parental authority sa bata. Kailangan muna kumuha ng court order ang may hawak ng custody para maging legal ang kanyang custody at ideklarang abandoned child na ang bata.
pwede k po hingi legal advice s PAO regarding jan madam. pero wala po s batas ung 7y/o papipiliin ang bata. Nasa nanay po tlaga dpat
ito po madam sana makatulong po pra s inyo