Subchorionic hemorrhage

Hello mommies! Ask ko lang if cno naka-experience sa inu ng subchorionic hemorrhage. Had my first TransV and may detect na bleeding. My OB prescribed me meds and need to bed rest. I will have my second transV after 2 weeks to check any progress. Gusto ko malaman if kusa ba ciang nwawala and ano yung advise sa inu ng OB nio. Mdyo scared kasi ako since I'm a first time mom. Thanks in advance. #iGotYouMommy #AskAMom #needhelp

13 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

I also had subchorionic hemorrhage during my 12th week. My doctor prescribed Isoxilan and Duphaston for 2 weeks. Di naman daw kailangan ng bed rest since 0.30cc lang yung hemorrhage and no external bleeding. Pero I was told to refrain from any strenuous activity. Bawal mapagod and iwasan din yung excessive straining when pooping. I was worried din kasi yung office namin sa 3rd floor pa and I had to climb the stairs daily. Thank God, after 2 weeks, kusang nawala based sa tvs. Basta sundin mo lang instruction ng doctor in taking your meds religiously and avoiding stressful and strenuous activities. Now on my 25th week and baby is normal and healthy. We will be okay by God's grace, sis. :)

Đọc thêm
2y trước

Thanks for sharing. I feel relief and positive now. I'm scared at first na it might affect my baby.

9 weeks nung nakita sa tvs ko na may subchorionic hemorrhage. wala naman akong naranasan na spotting . niresetahan ako ng ob ko ng duphaston 3 x a day and folic acid 1 x a day . hindi naman po ako pinagbed rest ni ob tuloy tuloy pa nga po ako sa work ko araw araw nagbabyahe tricycle at jeep. nung 13weeks na ko na ultrasound ulit at clear na wala ng hemorrhage, healthy si baby okey lahat ng results mag 22 weeks na ko ngayon okey na okey si baby sa tyan ko malikot na din ☺️mawawala din yan mi wag ka magpakastress pray and think positive lang .

Đọc thêm
2y trước

same mii. sometimes po may mskit sa balakang at puson. thanks po

Ganyan ako sis. Bed rest and medicine ka lang. Kapag sinabing bed rest, mag rest ka talaga. esp. kapag ang gamot mo iinsert mo sa vagina. :) kusang mawawala yan as long as mag rest ka talaga ang mag medicine ka. :) Bantayan mo lang kung may spotting ka and kapag sumakit puson mo ng sobra call your OB. :) 3 months ako naka bed rest. ngayon okay na ako. :) Make sure na hindi ka nagkikilos. Ang kilos ko lang talaga ihi, ligo, at kain. :)

Đọc thêm

6 weeks nung nakita sa tvs na preggy ako and may subchorionic hemorrhage. I took Duphaston along with my prenatal vitamins as prescribed by my OB. follow everything your OB says para mawala. Sa akin kasi tumagal ng more than 1 month yung bleeding ko pag chinecheck sa tvs. Wag po papatagtag. Bed rest po talaga as in super mag ingat kayo. Ako noon ni mag luto hindi pinapayagan ng asawa ko. Triple ingat po talaga.

Đọc thêm
2y trước

wow! congratulations mommy. Thanks for your advise. 🥰

Nung 6 weeks ako mii nakita na may SCH ako. Nag spotting ako kaya pinag bed rest ako ng almost buong 1st tri. Sundin mo lang advise ng OB mo and take yung prescribed meds. Saken pa nun sumasakit din puson ko kaya binigyan ako para sa uterine relaxant aside sa pampakapit. Pray lang mi and ingatan sarili. If you feel other symptoms mii, always refer po kay OB niyo. ☺️

Đọc thêm
2y trước

thanks for sharing mii. Praying na sana mawala na yung sken.

6weeks ako nung nakita sa tvs na may sub hemorrhage ako, tumagal yun ng almost 2months. Pangpakapit at mga vitamins ang bigay ng OB ko then complete bed rest. Pinagawa din sakin lahat ng lab na pwede mag cause non. Nakita na may problem ako sa immune system ko. Ngayon 16weeks na ko. Wala na sub hemorrhage pero ingat pa din at nag uundergo ako ng treatment.

Đọc thêm
2y trước

ask ko lang po if meron ka pong naramdamang pain?

sa unang tvs ko wala naman, pero after 2weeks nagkaroon ako threatened miscarriage, naconfine ako for 2 days and sa tvs may sub.hemo na sa tabi ng fetus, nasa 7ml, sa ngayon nakamaintenance ako ng heragest and may antibiotics din, sabi sa google mga 1-2 weeks bago daw mawala pero yung iba tumatagal ng buwan, 2nd baby ko na to ..

Đọc thêm
2y trước

good to know. at least may idea po ako bka yan din po iprescribe sken if di mawala. for now, duphaston at progesterone (vaginal insert soft gel) yung prescribed sken.

may ganyan din ako nung 10weeks TVS ko. pero hndi ako nag bleed. may nirista sakin OB ko sakali magbleed ako. pero sa awa ng diyos hndi naman. kusa lng po yan mawawala pag nasa 2nd tri. kana at if palaki ng palaki c baby. sabi ng ob ko wag daw msyado mag worry. kasi hndi daw msyado risky yan. pahinga lang po muna kayo.

Đọc thêm
2y trước

thanks po for the info. mdyo scared lang ako dhil first time mommy.

yes nawawala basta follow what ypur ob said. bedrest and pampakapit. kasi lumalaki yan pag nagpasaway ka. ganyan sakin nung 1st baby at 6weeks nawala by 13weeks ako. nurse sa hosputal work ko tagtag talaga kaya matagal nawala sakin di kasi ako nakapagrest ng maayos nun.

2y trước

ask ko lang po if meron ka pong nramdamang pain?

7weeks 2days ako nung may ganyan ako. kung ano man p prescribed ni OB sayo sundin at inumin mo po then rest lang po. Ako po that time nagwowork pa din basta po hindi mabigat ang trabaho nyo, okay lang po yun.

2y trước

may ganun din po kong pain. pero mawawala din po yun once na binigyan po kayo ni OB nyo ng pampakapit. basta wag po kayo magppastress hane..