Pusod ni baby experience
Hi mommies. Ask ko lang experience niyo sa pusod ng baby. Sep 2 ko pinanganak baby ko, until now dpa natanggal pusod nya. Sabi nila wag daw basain at galawin Ang pusod para maalis agad at di maimpeksyon. Sabi naman ng Pedia, buhusan alcohol para malinisan tpos basain kapag naliligo. Bale mag 2 weeks na kase dpa naalis tpos bigla nagkaron ng ganyan, parang nana ata (not sure). Sa ngayon, nililinisan ko na ng alcohol pusod ni baby. Ano po sa tingin nyo mga momsh? #1stimemom #firstbaby #advicepls #pleasehelp
sa baby ko, on his 12th day natanggal po. Nanganak ako Aug 26, 2021. pwede mo sia basain sa pagligo Nia Momsh, pero make sure na babasain (using cotton) mo sia ng 70% ethyl alcohol po. make sure na walang basa ng tubig po Bago mo iwanan. then kapag wash time Nia kapag nag poops or sa paglinis Kay baby before bedtime ay same pa din, apply alcohol make sure walang basa ng tubig po. and since may unsual na nAkita ka na ngaun (nana) ayI would advise po na makita Yan po ng Pedia mo po Momsh para ma guide ka sa tamang gagawin in medical point of view po. wag nang magpa tumpik tumpik pa habang maaga po kasi mas magastos kapag na infect po. I hope this helps po. :)
Đọc thêmmedyo matagal na yab memsh, sa baby ko 1 week pa lang tanggal na. tip ko huwag ka matakot na maglinis, lalo na ang mga sulok sulok, aside sa cotton gumamit ka rin ng cottonbuds with alcohol at linisan ang sulok sulok at gilid para hindi mangamoy at mainfect. better po na nababasa pag naliligo kasi lalambot ang mga dumi at easier to clean hindi naman po yan masakit sa baby pagnilinis mo po kaya wag ka po matakot
Đọc thêmPwwde mo, naman basain pg nallgo 1stym mom ako so hindi ako marunong tagal natangal ng pusod ni bb ko 3weeks ata kasi ung 1st week ndi ko nga nagagawa pala ng maaus or nallinis ng maaus ung 2nd week nagpaturo na ako sa pedia nia pano tamang paglilinis, ung cottonballs. Basain mo un ng basang basa na alcohol shka mo ipahid sa pusod ni bb lahat po babasain mo gawin mo yan ng mga 3tyms a day matutuyo agad yan
Đọc thêmHello po. Alam ko po kasi pnkamatagal na matagal ung pusod ng baby is 1week, ung sa baby q kasi 2-4days lang sila. Linisin mo po sa alcohol. Gumamit ka po ng babat, then lagyan mo ng bulak iroll mo lang po. Buhusan mo ung bulak sa babat ng katamtaman lang. Gnun po ginawa q nun sa pusod ng baby q.
Hi ma, september 2 din po pinanganak baby ko last year and a week after natanggal na din ung kanya. 1st time mom ako and sabi ng pedia ni baby, lagyan ng alcohol ung bulak tapos patakan ung pusod niya. Wait mo muna po matuyo bago bigkisan, para matanggal po daw agad
Ang instruction po saken, cotton balls na may alcohol idampi dampi. Hindi muna namin pinaliguan si baby ng paligo talaga hanggat di pa nalaglag. Sabi lang ng pedia, sabihan ko sya pag 1 month na tapos di pa din natanggal. Pero wala pa 2 weeks, tanggal na.
sa baby ko po 5days lang natanggal na pusod. green cross 70% isopropyl alcohol. wala po dapat moisturizer. binubuhos ko pa po konti konti sa pusod nya. saluhin lang ng cotton para hnd mapunta sa private part if girl si baby.
sa baby ko 2 weeks pa lang tanggal na lagyan lang ng alcohol every papalitan nag bigkis din kasi baby ko sabi ng matatanda kasi until now 4 months na sia dipa din namin binabasa iniingatan kada maliligo sia
Pag hindi pa natatanggal ang pusod sponge bath muna si baby para di maisawsaw at para na rin po di babaho,tapos linisan lang ng cotton ng may alcohol pero wag buhusan..baby ko 6days lang tanggal na pusod
sa expirience ko mommy. di binabasa pusod ni baby. panlinis ko lang sa pusod nya alcohol 70%. every palit ng diaper ko sya binubuhusan ng alcohol. 3days lang yung pusod nya. natanggal na.
Excited to become a mum