Atopic Dermatitis or Allergy

Hi Mommies, anyone po na may same condition sa baby ko, he is 2 mos old. Since pinanganak ko sya may mga few rashes na sya sa face then nawawala wala pero babalik ulit. Akala ko normal rashes lang sya pero napansin ko na nagkakaruon na sya sa dibdib at braso aside sa rashes yung skin nya scaly din. Thats the time na pumunta na ako sa pedia last Feb 28. As per pedia may atopic dermatitis si baby so need ko muna stop ang breastfeeding then pinabili nya ako ng NAN HA (formula) pinag-take nya din si baby ng cetirizen. Bumili din ako ng creams, body wash and lotion sa mustella. Nag change din ako ng laundry soap from tiny buds to cycle. Bumalik ako ng March 14 for follow up check up and vaccine. Sabi ng pedia nya continue ko lang yung mga ginagawa ko Kay baby. Na-lessen naman po yung rashes nya pero scaly pa din yung balat nya at may mga rashes pa. Na-f'frustrate na po ako parang 1month ko na po ginagamot pero ganuon pa din yung balat nya. Kayo ba mommies anong pang mga ginawa nyo para mawala ang rashes ni baby na may atopic dermatitis. Baka may na-missed out pa ako na pwedeng ko din gawin sa bay ko. :)

 profile icon
Viết phản hồi
Hãy là người đầu tiên trả lời