Ayaw ni baby dumede sa bote
Mommies anu-ano mga pwedeng gawin ayaw kasi dumede ng baby ko sa bottle. Both breastfed and bottle-fed naman siya nung 1-2 months old niya kasi inanticipate ko rin ang pagbalik ko sa work pero bigla nalang niya inayawan ang bottle one day. Lagi namin iniintroduce sakanya ang bottle pero makakita palang siya ng bottle na isusubo sa kanya nag-iiyak na siya. Kahit gutom na gutom na siya ayaw niya talaga dumede sa bote. Kailangan ko na kasi bumalik sa work mommies :( He's 7 months old now.
Hãy là người đầu tiên trả lời