Epidural
Mommies, ano po ba mas maganda may epidural or wala? Natatakot po kasi ako kung masakit yung epidural dami po kasi nagsasabi mas masakit yun
Sis, hindi naman masakit ang epidural. Baka ang ibig nila sabihin, yung act na ipapasok ung karayom ng anesthesia ang masakit, pero sa case ko nun hindi naman masakit. Baka depende din sa skills ng doctor na gagawa. If no epidural at all, yun yung NSVD (Normal Spontaneous Vaginal Delivery). Kung kakayanin ko yung pain ng contractions, go sa walang epidural. Pero ako nun, grabeh! Hindi kaya. Super sakit. Kaya bilib ako sa Mama ko at ibang Nanay na hindi uso ang epidural/ painless sa kanila.
Đọc thêmMomsh lahat naman ng way ng panganganak at masakit. Mapa epidural, normal o CS dadanasin mo talaga yung sakit. Yan yung sakripisyo para malabas si baby.