Aswang?

Mommies ano po ba ang pwedeng panangga sa aswang? I know meron iilan na di naniniwala pero siguro meron pa din na naniniwala sa aswang. Four months pregnant po ako at twice na may nagpaparamdam sa bubong at bintana namin. Noong una partner ko nakarinig madaling araw around 2am. Natitilam tilam o parang naglalaway sa bandang bintana Wala naman po kaming pusa o kung anong hayop. The following day po, madaling araw din naalimpungatan ako at sa bintana ako nakaharap pagmulat po ng mga mata tamang tama po na may dumaan pong malaking ibon na black. Jalousie po kasi at di pa po nalalagyan ng kurtina yung bintana bale may grills naman at screen sa lamok kaya mejo kampante pero naaaninag pa din po sa labas dahil sa buwan. Hindi naman po ako natatakot ng sobra pero nagwoworry ako sa dinadala ko. Gusto ko na safe din kami. Baka po may alam kayo na panangga? Ang sabi po kasi ng matatanda na mabango sa pangamoy nila ang dinadala ng mga buntis. Isa po sa pamahiin pero mas maganda na din po siguro na nag iingat. Maraming salamat po sa paglalaan ng oras sa pagbasa at sa mga sasagot. ?

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Influencer của TAP

Mommy nung una di din ako naniniwala dito eh. Pero ganito din experience ko. Bglang may naririnig ka nalang pag madaling araw. Ang ginawa po ng partner ko naglagay ng bawang at asin sa lahat mg bintana. Nagsabit ng rosario sa mga bintaba. Naglagay ng tingting at pinapagsuot po ako ng black tuwing matutulog para daw po di makita nung aswang.

Đọc thêm