Takot manganak sa Public Hospital

Hi mommies, ang dami ko po nababasa sa social media about sa experience ng marami sa treatment sakanila nung manganak sa mga public hospitals, mostly negative experience nila. Nagdadalawang isip me now if mag public hospital ako. Sa June next year pa ako manganganak. Any idea po how much ang gastos sa mga private clinics na sabi nila mas maasikaso ka daw ng maayos, para makapag ipon na ko as early as now. Thank you po sa sasagot.

24 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Para sakin na first time mom din na nanganak sa public hosp. 8/10. Before nag aalangan din talaga ko manganak sa public same reason dahil sa mga nababasa ko din at nagrresearch din talaga ko and ganon nga masusungit at massama bibig ng mga staff doon dahil naexperience ko mismo. Pero except doon okay na okay naman lalo na kung gusto mo talaga mag budget at walang bayaran. 10k ang bill ko then kay baby 13k pero ni piso wala kami binayaran. 2 weeks pa kami non sa hosp. dahil yellow pa si baby walang infection pero mataas ang White blood cells niya, kapag ganon hindi nila pinapalabas agad pinag aantibiotic pa muna si baby for 7days para saakin ok na ok kasi walang ganon sa mga lying in imbis na sa labas mo ggamutin na aabutin ng libo libo doon libre lang kumpleto pa mga equipments nila, complete vaccine din si baby, even new born screening na mahal sa labas libre. Everday check up din ang mga baby dun, my libre food pero expect na hindi pambonggahan food, sa facilities naman expect mo talaga my kashare ka sa bed dahil public nga minsan umabot pa kami 3 babies sa bed tapos yung mga magulang sa upuan nalang marami naman upuan, mga cr every hour bagong linis hindi ganon kadumi my shower pa nga, my flash din. And masasabi ko rin na swerte ako dahil mabait yung nag paanak sakin ☺️ sobrang caring, at first iba yung mga nagbabantay na midwife shifting kasi siya nung naglalabor palang ako grabe kung magsalita yung mga midwife samin na naglalabor din grabe sobrang bastos talaga ng bunganga pero swerte ako na umabot pa ko sa shift nung pumalit mabait siya at napaka ayos rin ng tahi niya sa pwerta ko inayos niya mabuti after ko manganak walang kasakit sakit ako nararamdaman at hirap sa pag upo kaya sobrang thankful ko sa nagpaanak sakin❣️ang masasabi ko lang depende parin sa tao, I suggest kung mahina ka at papaapekto ka sa mga tao don then wag ka mag public hindi rin siya pang maarte, expect na my mga bastos na staff but wag ilahat dahil my mga mababait parin naman, and kung tatanungin ako kung uulit ako i will say yes uulit ako manganak sa public.

Đọc thêm
12mo trước

Taga saan po kayo momshie?

Hmmm. Sa public hospital ako nagwowork. And sa na-experience ko nung naadmit ako dahil sa muntik na ko makunan, at bilang first time mom, hindi ko sya marerecommend. Sa pinagwoworkan ko kasi, bawal ang kahit na anong gamit mo. Even panty bawal. Bawal din phone. Walang tv o orasan sa delivery room so walang way para malaman kung anong oras na. Pag charity patient ka, most likely sa hallway ka ng delivery room magaantay. Pag private patient, may room naman pero kung marami kayong private patient sa araw na yun, siksikan kayo sa room. Masusungit din ang mga tao dun. Yung isang doktor pinagalitan pa ung isang buntis na nakunan kasi bakit daw sya nag-cr, ayan tuloy nakunan sya. Sa dami rin ng pasyente at konti ang staff, malaki ang chance na hindi ka maaasikaso masyado. Ako nga na staff, hindi nila naasikaso tapos private patient pa ko. What more kung charity patient ka. Pag public, kelangan mong habaan ang pasensya mo at tibayan ang loob mo. Kasi pag nanganak ka, bawal ang bantay. Dalaw lang. Before covid, dalawang mother sa isang kama ang magkatabi. Minsan tatlo pa. Not sure ngayon kasi ang alam ko naging one is to one nalang. Ang pros lang is, wala kang babayaran. Pero kung kaya mo naman mag-ipon pang private, magprivate ka nalang. Lalo na kung gusto mong maayos ang treatment sayo at hindi ka sisigawan ng mga nurses at doktor.

Đọc thêm
12mo trước

Grabe naman yung Doctor na 'yon. Parang hindi Doctor. GG!

Sa public hospital ako nanganak. and okay naman serbisyo doon dahil unang una, wala akong binayaran ni piso. ang naging struggle ko lang siguro dahil first time mom ako, nahirapan ako sa pagpapabreastfeed dahil wala talaga lumalabas na gatas sakin kaya panay iyak si baby. di nabubusog kaya maya maya ay gising. sobrang pagod at puyat ko knowing na kakapanganak ko lang at bawal ang bantay. Mahigpit sa public hospital. Kailangan talaga breastfeeding doon. as for doctors and nurses, ganoon talaga may masungit may mabait. kahit naman sa private ganoon din. madalas din naman may nagrorounds na nurse at doctor sa public hospital dito sa Bataan. ewan lang sa iba depende siguro sa capacity ng hospitl at dami ng pasyente. Also, dami kong nakasabay doon na mga menor de edad na nanganak at napansin kong sa mga ganun nagsusungit mga midwife at doctor. lalo na kung nagpapabebe yung minor n manganganak, malamang ma cs kapag matigas ang ulo. hahaha.

Đọc thêm

Last year nagpa-ER ako sa public hospital dinudugo kasi ako ayun pala nagle-labor na ako kaso 21 weeks pa lang ako that time. Kahit ER ka na pinag-fill out ka pa ng mga papel jusmio 🫤 kahit namimilipit ka na sa sakit maghihintay ka pa na matawag at iisa lang ang DR sa ER 😑 pinagalitan pa ako ng DR sa ER kesyo ano daw bang ginawa ko at napa-anak ako ng maaga 🥲 Pag pasok sakin sa delivery room at lumabas na si baby pinagagalitan ako ng dr kasi naihian ko sya, nagagalit sya pag malikot ako kasi dinudukot ng kamay nya yung sumabog na placenta ko. Pag dala sakin sa OB ward kinabukasan papalibutan ka ng mga DR, nurses tas mga nagreresidency sa ospital. Pinagalitan pa ako ano daw bang ginawa ako at napa-anak ako ng maaga. Sabi ko stress kako ako. Sabi ng Dr dun di daw nakaka-paanak ng maaga yung stress like WTF. Sino bang nanay gusto mamatayan ng anak? Paconsuelo de bobo na lang din yung 500 lang binayaran namin dun.

Đọc thêm
Influencer của TAP

Honestly, i dont recommend sta ana med. dun nanganak asawa cuz ko. di k pansinin at ipasok delivery unless nakasilip na ulo ni baby.. Then sis ko naman nun is OS, dahil hirap ire ayun pinilit dinaganan tummy nya para makalabas c baby. muntik daw maputol ulo paglabas pamangkin ko haba ng ulo buti nagawan paraan. Kaya nung time ko na, they promise na anything happens sa private ako para mas maalagaan. Magastos , oo pero after that deserve nyo naman ni baby yun. Based kasi sa experience ko , may mga masusungit na staff kung d ka kakilala o wala k kakilala wLey ka talaga.

Đọc thêm

hello! kapapanganak ko lang last nov 22 and ganyan din ako, takot sa public manganak. So ayun, CS ako and ang total lang ng binayaran namin including yung baby bill as well as PF ng lahat ng doctor is around 45k-50k lang. Nung inadmit ako, req magdown ng 13k tapos yung final bill ko is around 34k+. di ko na tanda yung exact amount basta around 45k to 50k lang siguro yung total na nagastos ko sa pagpapanganak. Libre yung check up ko. nanganak ako sa JDMH hehe dabest hosp for me and now, di kami nagpalit ng pedia kasi ang galing at super bait nila

Đọc thêm
Thành viên VIP

Ako mi sa private manganganak next year may 2024 ang duedate ko. 20-30k ang normal delivery Tapos libre lang ang check up ko sa midwife duon dahil may philhealth ako ililipat nya nalang daw ako sa OB kapag malapit na ako manganak para daw makatipid ako yung ipang bayad ko sa check up ipang bili ko nalang daw ng vitamins alagang alaga ka talaga sa lying in unlike sa public sobra haba pila tas masusungit pa tsaka tumataas case ng covid kaya ayaw ni hubby sa hospital

Đọc thêm

lying in knlng po manganak mas ok dw don maaskso k maaus d q nre recommend un public kc daming bawal mdmi p masungt n doctor tpos worst experience ko p is palabas n c baby ng madaling arw 2 am tpos nag intay ako ng sobrang tgal bago mapaank kc wlang mg papa anak nag sipag break sla kht alam nla n me nag lalabor mlpt n manganak need m pigilan kht iring iri kna🫤 un sb skn ng nurse pigilan q dw hayst . ftm pa mandin aq nanganak ako 7 am n😭 bawal p cp

Đọc thêm

sa true.. tatlo kong in-laws public sila di po sila nakaranas ng proper treatment.. sinungitan pa.. yung isa minura pa for being mataba. 3days ago po nanganak ako private hospital. at super asikaso ako. yun lang mas pricey sya. pero pinrepare na namin to before pa. if you opted out for private ngayon palang prepare yourself financially. ask mo yung rate ng clinic na preferred mo. then magready ka ng sobra sa rate ng sinabi nila just to be sure.

Đọc thêm

Better pa ata mag lying-in ka po kesa public hospital. Mas ok kase feedback naririnig kong treatment sa patients sa lying-in kesa public hospital. Parehas ka naman makakalibre, kapatid ko 1k lang binayad sa lying-in. Btw, private hospital ako nanganak, alaga ka talaga sa private. If kaya naman ng budget, go sa private. Need mo ng alaga talaga nanganak ka, kaya if may ipon naman wag mo tipirin sarili mo. Deserved nyo ni baby yun.

Đọc thêm