Stress

Mommies, 9months preggy na po ako. Week nalang ang hinihintay sa pagdating ni baby. Ngayon po, dito na kasi ako nagsstay sa bahay ng hubby ko kasama ang biyenan at mga kapatid niya, bale may kwarto lang po kami ni hubby dito sa 3rd flr. ng bahay nila kaya bihira po akong bumaba dahil nahihirapan akong umakya't baba sa hagdan. Dito lang ako madalas sa 3rd flr. magisa walang kausap, kasi nagtatrabaho si hubby. At natural na din po kay hubby na hindi siya pala kwento kaya kahit nandito siya minsan panay fb at nood ng tv lang. Na-istress napo kasi ako sa daily routine ko na pagkagising, bibili ng pagkain, magsstay saglit sa baba tapos aakyat na ulit sa kwarto, maglalaba, matutulog tapos bababa para sa hapunan. Nakaka-stress pala yung palagi kang mag-isa't walang kausap, lalu na't buntis. Yung feeling na pgkagising plang sa umaga pagod at wasted kana kasi ganun nnman ulit yung mangyayare. pahingi nmn po ng payo. ?

 profile icon
Viết phản hồi
Hãy là người đầu tiên trả lời