From CS to Normal

Hi mommas! Tanong ko lang po lumipat kasi ko ng ob gyne from private to public hospital sobrang laki ng difference nila. Sa opd pala papalit palit ng ob gyne na nakaassign dati kasi nung first pregnancy ko iisa lang ang ob gyne na tumitingin sakin ngayon retired na sya hindi ko na rin sya makontak. First check up ko sa public hospital pinakita ko na sakanila previous laboratories pati history ko ng first pregnancy ko since dun ako nanganak ang sabi pwede na ko maglabor at normal delivery since malaki na gap ng pregnancy ko 6 years mga momshie. Ngayon sa second check up ko sabi ko gusto ko cs na lang tutal mababa ang pain tolerance ko mommies at natatakot ako baka hindi ko kayanin yung pain at baka maeclampsia ako. Sagot sakin ng ob gyne magnormal na lang daw ako para less hassle dahil kapag cs maraming proseso like dinidisinfect pa rooms etc. My concern is kung maglabor ako at hindi ko kayanin cs din ang ending ko mommies. Ngayon naguguluhan ako kung itutuloy ko pa ba dito sa public or babalik na lang ako sa private ob gyne ko. ☹️

 profile icon
Viết phản hồi
Hãy là người đầu tiên trả lời