Mix-fed

Mix-fed baby ko s-26 pink to gold mga momsh. nag-gold ako kasi may araw na hindi sya dumudumi pero ganon parin. few times nalang sya dumede sa bote the rest, puro sa dede ko na pero worried ako kasi ang sabi kapag formula-fed ang baby kailangan dumudumi araw-araw dahil sya isa or dalawng araw madalas hindi dumudumi pero utot ng utot. Di ko alam kung ano dapat kong gawin sa ganitong situation.

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

USAPANG PUPU NG MGA SANGGOL Pagkapanganak ni baby, ang kulay ng pupu ay blackish-green ang kulay. Ang tawag dito ay meconium. Usually, dumudumi si baby within 24-48 hours pagkapanganak. Sa tulong ng pagpapasuso, ang meconium ay mapapalitan ng transitional stools, greenish yellow na medyo lusaw around day 4-5. Pagkatapos nito, ay mag-iiba na naman ang itsura ng pupu ng isang breastfed baby. "Parang binating itlog na may halong buto ng kamatis" (yellowish-seedy stool) - ito po ang pinakamadaling description ng pupu ng isang breastfed baby. If breastfeeding is going well, hindi po talaga siya mabubuo. Katunayan, medyo mamasa masa nga siya na meron kaunting laman. Ang normal na dalas ng pupu ng baby less than 6weeks old ay at least 3x/day. Minsan, mas madalas pa. Minsan, kada pagdede. Minsan may pahabol pa sa pag-utot. As long as umiihi din si baby ng madalas (>6x/day), hindi siya nilalagnat, siya ay happy baby at hindi nanghihina, ay hindi po siya nagtatae. NORMAL iyan. Pagdating ng 6 weeks old ng baby, medyo nareregulate at nagmamature na ang kanyang panunaw, o digestive system. Sabayan pa ito ng katotohanan na ang breastmilk ay EASILY ABSORBABLE, o madaling matunaw. Kaya magsisimula nang lumiban sa pagdumi si baby sa isang araw. Marami na ako naging patient na up to 6 days walang pupu. Some studies ng breastfed babies, up to 10 days walang pupu. 😁Nagpapanic na si Mommy, pero si baby, happyng-happy naman. Kung si baby ay dumumi naman within 24-48 hours pagkapanganak, anu-ano ang mga senyales na kailangan na siya ipacheck dahil hindi dumudumi nang matagal? 1. Pagsusuka 2. Paglaki ng tiyan 3. Pagiging Iritable ni baby(hindi mapatahan at all) 4. Hindi komportableng pag-ire 5. Hindi umiihi si baby 6. May dugo sa pagpupu. 7. Sobrang tigas ng pupu 8. Kulay puti na pupu. Kung wala kang matagpuan sa mga sintomas na ito, RELAX. Ok si breastfed baby. Lalo na at masayahin si baby, kumportable sa pag-tulog, kumportable sa pagdede, bumibigat naman at mukhang normal na normal, huwag ka na mapraning. Ipagpatuloy ang pagpapasuso. ========================== Ngayon, ibang usapan po kasi kapag FORMULA FEEDING si baby. Kaya po ako ay hindi nagrereseta ng iba't ibang formula. There is no single best formula milk. Ang nakakapagpatibi sa isang baby, ay maaaring nakakapagpaLBM sa ibang baby. In my own honest opinion, pare-parehas lang sila lahat, mapamura or mahal. Huwag ninyo nang habulin ang DHA/ARA (ibang usapan na iyan) para tumalino si baby. Kung nasa bahay lang naman po kayo at may gatas pa, magbreastfeed na lang po kayo. In my experience po, madami ang nagtitibi sa formula milk. Why? Ang Cow's Milk Protein content ng formula milk ang sanhi nito. Alam ninyo bang 4 ang tiyan ng isang baka? Kailangan ng baka ng 4 na chambers ng tyan para matunaw ang cow's milk. Imaginin ninyo po na isa lang naman ang tiyan ng tao. Kaya mas mabigat sa panunaw. Iyan din ang exact reason bakit busog ang baby ng 3-4 hours kapag nakaformula pero kapag breastfed, 1.5-2 hours lang, gutom ulit. Dahil mas madaling matunaw ang breastmilk kaysa sa formula milk. Kung hindi po dumudumi ang ating babies na nakaformula, tingnan ninyo po ang warning signs, para alam ninyo kung kailan kailangan nang ipacheck si baby sa doctor. DISCLAIMER: Ang post na ito ay guide lamang at hindi kailanman papalit sa harapang pakikipag-usap sa inyong personal na doktor.

Đọc thêm
4y trước

Thank you po

Thành viên VIP

Okay lang yan mommy! Ganyan din ang baby ko.. minsan two days no poop pero pag bigla naman nag poop parang bawing bawi agad 😂

4y trước

Mix-fed din po ba sya?