Mother-in-law na naniniwala sa mga pamahiin, nakakastress

MIL ko ma pamahiin. Binyag palang ng anak ko, kung ano ano binabawal. Bawal daw design na clouds or rainbow. Kasi rainbow boho po theme niya. Maski butterfly theme ayaw din niya. Tapos meron na naman, yung time na ayaw sumama sa kanya ng anak ko, ang ginawa ng mother in law ko, pina albularyo ung anak ko. Kasi daw parang takot daw. Ayaw kasi lumapit sa Lola. Tapos pinaka nainis ako is yung damit ng anak ko, pinatapon niya, kasi ayaw niya daw yung kulay. Tinatanong namin kung bakit, hindi na siya sumagot. Na-i-i-stress ako sa mother in law ko. Ano po pagkakaintindi niyo sakanya? Pinag ooverthink niya lang ako tungkol sa apo niya. Andami niyang pamahiin.

9 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ang sitwasyon ko ay medyo iba, pero makauugnay ako. Ang mother-in-law ko ay may pamahiin tungkol sa lahat ng bagay mula sa mga pangalan hanggang sa mga routine sa pagtulog. Nakita kong nakatulong ang unti-unting pagpapaliwanag sa kanya tungkol sa aming mga desisyon at kung bakit ito mahalaga sa amin. Nagmungkahi din ako na magkaroon tayo ng family meeting para pag-usapan ang aming mga approaches at makahanap ng common ground. Minsan, ang pagpapakita na bukas ka sa dialogue ngunit matatag sa iyong mga desisyon ay makakatulong sa pag-bawas ng tensyon

Đọc thêm