Our Story (late post)
Mikhail Maverick EDD: June 25, 2020 DOB: June 5, 2020 @10:45 am Via: NSD In the evening of June 4, I noticed na may spotting sa undies ko. Kinabahan ako but after a phone call to our family friend who is a physician I dismissed my worries kasi wala naman akong ibang nararamdaman. Natulog ako ng mahimbing that night. June 5, schedule ko dapat for check up sa OB but naunahan kami ni baby 😂 5:00 am nagising ako kasi naiihi ako and masakit puson ko pero pagbalik ko sa kwarto naihi pa din ako ay hindi ko mapigilan sobrang basa na ng shorts ko pati yun sahig kung saan ako nakatayo. Ginising ko hubby ko sabi ko sa kanya na punta na kami hospital mukhang manganganak na ako. Tinawagan ko na din OB ko para aware siya. 6:30 nasa hospital na kami, may sinusunod silang triage and mejo mahigpit kaya ang dami nilang tanong like humihilab na ba daw tiyan ko etc. Pero syempre sinabi ko na pumutok na panubigan ko. Ayon may nag IE na sakin sabi nya 3cm pa daw ako kaya sabi nya uwi nalang daw muna kami kaysa maghintay kami don mas ma eexpose kami sa hospital mahirap na daw balik nalang daw kami pag hindi ko na kaya ang sakit at 2 mins na daw yun interval. Tinawagan nadin nila yung OB ko regarding their decision na pauwiin kami. Pero bago kami umuwi magpa XRay daw muna ako and CBC. If hindi daw maganda ang result hindi daw nila ako pwede iadmit don. Anyways ayon after gawin yun mga yon hinintay pa namin ang bill. At don na nagsimula ang sakit na hindi ko maintindihan. Mga 9 am na non. Nung una 6 mins pa interval at mejo kaya pa ang pain nasa 6 din sa pain scale pero mayatmaya naging 9 na ang pain at hindi na nawala yung sakit. Naiiyak na ako na ewan sabi ko sa hubby ko gusto kong tumae natatae ako sobra sinamahan naman nya ako sa CR pero mejo nagagalit siya kasi masyado daw ako umeere nakikita daw nya nag oopen yun vagina ko baka ma anak ko daw anak namin sa bowl. Hindi na talaga ako mapakali sabi ko hindi ko na kaya yung sakit gusto ko na umere. So ayon instead na uuwi kami hindi na natuloy. Tumawag na sila ng resident OB para icheck ako at sabi nya manganganak na daw ako iaakyat na daw ako sa delivery room. Stress na ako sobra kasi gusto ko ng umere pero pinipigilan nya ako sabi don na daw sa taas. Nung nasa taas kami mga 10:20 na yon pagkahiga ko nag attempt na ako umere ulit pero pinigilan nanaman ako kasi wala pa daw yung OB ko. Naiinis na ako kasi sobrang sakit na hindi ko na talaga kaya. Tumawag yun OB ko sabi nasa elevator na daw siya. Yun na yung go signal nila sabi nila pag ready na daw ako umere na daw ako. Sa isip ko kanina ko pa gusto umere kaya ayon isang ere lang at lumabas na anak ko. Nagulat nga si hubby kasi pinababa siya para ayusin yung sa room namin tapos pag akyat nya tapos na daw ako manganak ang bilis daw so pinababa nanaman siya para ayusin yung sa birth certificate ni baby hahaha. Ayon na issue pa ata kasi bakit daw kami pinapauwi eh pumutok na panubigan ko ganern. Buti natapos agad panganganak at kung hindi lang sana nangyari yung kineme na uwi2 baka mga 9 am lumabas na si baby hahaha pinipigilan pa kasi nila akong umere eh 😂 Thank God we're safe and healthy. Kaka 1 month lang din ni baby kahapon. Ang bilis naman ng panahon.