Marami talagang magiging say ibang tao about sa lo natin at pagiging nanay natin. Ako nga rin pag uwi namin galing hospital, stressed ako dahil wala akong gatas, kinailangan pa namin humingi ng breastmilk sa pinsan ng hubby ko habang nasa hospital. Bungad ba naman sakin ng tita ng hubby ko pag uwi, "puro ka kasi fried chicken kaya wala kang gatas" 😵💫di na lang ako sumagot pero deep inside nahurt ako. Mafofall talaga tayo into thinking na wala tayong kwentang nanay, iniyakan ko yan what more pa yung sayo. Mahirap man na di sila pansinin, try na lang natin mommy na iignore lahat ng ganyang comments. After all, tayong mga nanay din naman pinaka-concerned sa mga anak natin. Hayaan na natin silang kumuda nang kumuda. Pero gigil ako sa asawa mo hehe. Sya dapat pinaka-umiintindi sayo sa ganyang stage.
Anonymous