Mareng Tess: May chika ako!

Mga sizmarz! Alam n'yo ba kung ano'ng masarap na K kapag tag-ulan? Siyempre, kuwentuhan! 🤭💋 #TAPAfterDark Mareng Tess again, ang Sizzling Tsismosa ng L.A (Lower Antipolo)! At ang juicylicious topic natin today ay:

Mareng Tess: May chika ako!
122 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Noon akala ko hindi ko kaya, pero dumating sa point na sa sobrang nawawalan na nag oras sakin jowa ko at may other guy na nag papakita ng interest sakin, I honestly tried to flirt. I feel so empty nung time na kami ng jowa ko na kahit mag katabi kami matulog feeling ko wala sya sa tabi ko, kahit na sisex kami parang iniisip ko walang love makaraos lang. So whenever this guy texted or chatted me I immediately replied to him na nagiging masaya na ako kapag pinupuri nya ako na feeling ko I'm whole again as a woman. But then this cheating thingy goes beyond my expectations (isipin nyo na lahat ng masamang isipin pero yes I did that). The I got pregnant and my boyfriend is happy kasi mag kakababy na kami. But I still have doubt. Siguro kung mag cheat rin sakin ang bf ko I'll accept it kasi ginawa ko rin yon sa kaniya. Kabayaran sa kasalanan ko. Happy na ako at mag kakababy na ako. Kaya kung hindi na kayo masaya don't cheat like what I did. Break up with your partner kasi buong buhay nyong pag sisihan yan.

Đọc thêm

I cheated before when we were not married yet. I was not proud of it and I hated myself for that. I was emotionally unstable at the time. I felt I was right as well. I thought the guy was the right person for me. My bf (now my hubby) didn’t know then, I broke up with him to be with that guy. It was bad karma that bit my hands. I learned that the guy I was seeing was married pala and had kids. I didn’t know. I left and went back to my bf. At first ayaw nya akong tanggapin after telling him everything but eventually naayos namin and now we are happily married. We are also expecting our first born! Kung magagawa ko ba uli na lokohin sya? No and never. I have grown from that person I used to be and I have learned so much from that experience. My family now is my only priority and nag iisa ko ding mamahalin hanggang huli ang asawa ko. Kasama na ang magiging anak namin. 🙂

Đọc thêm

Dumating sa point na nagkakalabuan kami ng husband ko nung mag bf/gf palang kami. Sobrang hirap na ng situation, i feel so unhappy and miserable then nakausap kami uli nung ex manliligaw ko kinicomfort nya ko to the point na umamin sya sakin na mahal pa nya ako na sana sya nalang pinili ko hanggang sa sinabihan nya ko na kung pwede raw ba magging kami kahit may boyfriend ako. Mag ingat lang daw ako wag ako papahuli. Hindi ko kaya sinabihan ko sya. Bukod sa mahal ko bf k nun e hindi ko rin kaya ung gusto nya dahil alam ko masasaktan ko lang rin sya dahil di ko kayang suklian ang pag mamahal nya. Nahihirapan ako that time sa bf ko pero hindi sumagi sa isip ko na magloko. Hanggang ngayon na mag asawa na kami. Oo minsan nakaka bwisit sya to the point na magsisisi kang pinili mo sya pero kapag nakikita ko ung anak namin ay wala to kung di sya ung pinili ko.

Đọc thêm

been there, done that. way back 2013, mag jowa pa lang kami ni hubby, na experience namin yan. not really cheated talaga in a way na ako or sya ung nag cheat. it happened kasi na we both knew na mali kami parehas. kasi pumasok kami sa relationship nmin dalawa na may iba din kaming ka relasyon. we are good friends ni hubby, kaya siguro napalapit kami sa isat isa kaso hindi maganda timing dahil in relationship both kami sa iba. and then nasira na lang relationship namin. after 6 years wala kami communications at all, nag balikan kami and after two years married na kami. before kami nagbalikan, we see to it na parehas na kmi okay, okay in a way na mature enough na kami to handle our relationship. mahirap yung mag cheat, at mahirap lalo if itatago mo, kasi wala kang peace na mararamdaman

Đọc thêm

HINDI!! and I will never ever cheat on my hubby.Siya lang sapat na ,walang ibang hanap kundi siya lang. Mahal ko kaya may respeto at tiwala. Pag mahal mo, at mahal ka, contented napaka smooth ng relationship .Pero alam ko sadyang may mga bagay na dumarating sa buhay ng mag asawa na susukat sa katatagan at pagmamahalan ninyong dalawa at dun masusubok hanggang saan ang kaya mo para sa pamilya mo. Always praying to God na make our relationship stronger and He will be the One to guide us not to commit a sin. Itaas natin sa Panginoon ang lahat kasama na ang relasyon natin sa ating asawa upang mas lalo tayong patatagin at punuin tayo ng pagmamahalan. Let God be the center of our /relationship/family ☺️

Đọc thêm

may panahon na na infatuated ako sa ibang guy. feeling ko nag plateau ang relationship namin ni hubby after 10 years of marriage. the guy also has a wife which matabang na din feelings nya due to certain reasons. the feeling was ecstatic in the beginning. but as months went on we realized na hindi pwede ipilit ang "relationship " that we have. first of all, ayaw mo magkasala sa Panginoon. second, ayaw mo saktan ang partner mo. third, ayaw mo masira sa mata ng mga anak mo. we have this mutual realizations. in the end, even it was painful it had to end. for everybody's peace of mind and greater happiness.

Đọc thêm

Been there, done that 😅 Yung tipong friends ko ipinagtiwala yung dark secret ko and i thought na di ni ispill sa husband ko ( wala pa kaming baby before) and doctor yung nka affair ko 9 years agwat namin pero nalaman din nya ayun sobrang sakit kahit ako pinagsisihan ko, and that i promise him to never do it again. And now were having our first baby lalong tumibay yung pagsasamahan namin and pagmamahalan. Siguro part ng relationship din na may maeencounter kang ganito. Diko nilalahat tho from my experience lang.

Đọc thêm
3y trước

siya nga yung ng Iwan habang buntis ako ngayun pinagpalit kami sa babae niya

Thành viên VIP

dumating iyong panahon na nagkakalabuan na kmi mag asawa maraming tukso Ang dumating pero Mahal ko mga anak ko at asawa ko kaya ako ba mismo Ang lumalayo sa mga taong iyon at sinasabi na pamilyado na ako at humanap sila ng babaeng karapatan dapat sa knila at dalaga pa o walang karelasyon. Kahit Anong mangyari diko lolokohin Ang asawa ko at Hindi ko sisisiraing Ang pamilya na binuo namin Ng maraming taon. Ngayon Going strong at Mas ok na may Communication kayo sa Isat-isa at may oras at buo Ang tiwala.

Đọc thêm

Kung ang dahilan ko lang to remain faithful is dahil takot ako mahuli ng asawa ko, maari na oo ang sagot ko. Alam ko naman ang tama at mali pero alam ko rin na tao lang ako at pwedeng pwede akong madapa pag hindi ako nag ingat. Pero since ang ultimate reason ko na wag mag cheat is dahil may takot ako sa Diyos. So 'No' ang sagot ko. Kasi kahit hindi malaman ng asawa ko na nagtaksil ako, alam ko na walang makakalagpas sa mata at kaalaman ng Diyos. At doon ako takot.

Đọc thêm

No, kasi ayokong bumalik sakin yung panloloko na gagawin ko if ever. Tsaka as a girl pangit tingnan na ako pa yung magchecheat at alam ko kasi feeling ng naloloko dhl naloko nadin ako minsan kaya ayoko iparanas sa asawa ko na lokohin sya and pinangako ko sa sarili ko na once magmahal ako sya lng at never akong papatol sa iba tulad ng ginagawa nya 5years mahigit na kami pero ni minsan walang cheating na nangyari lalo pa ngaun na magkakababy na kami ❤️

Đọc thêm