Breastfeeding journey

Hello mga sis.share ko lang.super stress ako.i really want na maexclusive bf ang baby ko 2mos. mahirap kapag wala kang supportive environment.5 days pa lang non si baby ng bigyan ng formula kasi inaakala ng mama at husband ko kulang ang milk ko kasi pag nadede si baby naiyak. super tyaga ko pero naddown ako sa kanila.until now nakamix feed si baby.ang mahal pa nàman ng gatas ngayon.humina na milk supply ko. masakit makarinig na hindi daw sapat nakukuhang milk saken at anu pa.pero d pa din ako sumusuko.kahit nipple confuse na si baby, nagppump ako para makainom pa din siya ng breastmilk.at offer ako ng breast pag tulog siya.haaaay. inggit ako s mga mommy na supportive ang environment sa breastfeeding nila.share ko lang experience ko.

5 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Same tayo ganyan din byanan ko, first time mom ako mag one month palang baby ko tapos yung baby ko kasi boy tapos maya maya panay ang dede saken tapos sabi ng byanan ko baka daw nakukulangan sa gatas ko kaya panay ang dede maya maya tapos yung first week medyo mahina pa ang breastmilk ko kaya panay sabi ng mama ng bf ko na imixfeed nalang daw kasi di daw nabubusog yung bata panay daw ang dede saken pero para saken kasi ayoko imixfeed kasi alam kong mas okay ang breastfeeding tsaka wala pang months ang baby ko pero matigas ang ulo ko wala sila magagawa kasi ako ang nanay kaya di ako sumang ayon na imixfeeding ang baby ko Haha kahit panay suggest ng infant milk ang byanan ko di ako nagpapakita na nag aagree ako. kaya ngayon sinisikap kong dumami milk ko at nakita nila na malakas milk ko tapos nag gagain ng weight baby ko kaya kahit papano di na panay imixfeeding ang naririnig ko 😅

Đọc thêm
5y trước

tama.thanks sis.

Nasayo nman yan sis ikaw ung nanay kht may nkikialam sau nsau pdn yan kung papayag ka pakielaman ka. Since ikaw nmn ngaalaga sa ank m maglatch lang sya ng maglatch sayo hnd porket umiiyak sya is kulang na ung supply mo. Hanapin m dn ibang reason y iyak sya ng iyak kc pag pinalatch m sya ng pinalatch dadami milk mo. Help urself too. Dpat d ka magpaapekto kc once u get stressed lalong hihina yan. If mahina tlga milk mo then ikaw n po magadjust, kumain ka ng masabaw magmalunggay milk ka ang etc. Search ka mga pagkain nkkalakas n milk. Kasi sa ngayon kng mahina tlga milk mo tama dn nman ung mom mo at hubby m na mag mix ka wala namn msama dun.. kesa nga nman c baby ang mahirapan.. 👍 once lumakas na milk mo then mag exclusive breastfeeding ka. For sure sila dn nman mas gsto un , cno ba nman ayaw makatipid dba 😊😊😊

Đọc thêm
5y trước

thank you sis sa advise. kaya tyagain ko tlga.drink din ako madame water para dumami gatas ko at unti unti ko maalis ang formula.iba pa din kasi benefit ng breastmilk.

Mag malunggay capsule ka.. Sabi sa center namin at least 3x a day. Kasi kung dadami supply mo ng gatas.. Mas less yung kailangan idede ng baby mo na powdered milk

5y trước

tama sis.nagkaubo at sipon na din ako never man din siya nahawa. kaya tyagain ko talaga siya.thank you sa advise.

Thành viên VIP

Hugs momsh! Explain mo sa hubby at mama mo ang mg benefits na makukuha ninyo ni baby plus super tipid talaga pag bf ka.

5y trước

kaya nga sis eh.natutunan ko yan sa pagsali sa mga breastfeeding groups.kaya tyaga ako.napakahirap kasi pag ganun ssbhn nila gutom titimplahan na nila. nakakadown. tas pag nagpump ako kaunti napump ko.tatawa sila.haaay. pero d pa din ako susuko.thanks sis.

Kunin mo sahod ni mister ewan ko lang makabili pa sya. Kausapin mo sila.

5y trước

thanks sis