Okay lang ba?

hello mga sis palabas lang ng sama ng narardaman grabe lang kasi yung asawa ko 😭 nagkasakit kasi yung panganay ko tapos syempre ako ng ako ang sinisisi niya bakit nagkaganun then nilalagnat din ako kagabi kahit masama yung pakiramdam ko hindi niya ko tinitigilan kakadakdak pinag mumura niya ko wala daw akong kwenta lumayas na daw ako saming dalawa pala ako ang mas nag pprovide ng need namin dahil wala naman siyang stable na work pero ni minsan hindi ko siya sinumbatan never nangyare yun!! Then kaninang umaga umihi ako tapos winalis ko lang yung mga kalat sa harap ng pintuan namin pinag sisigawan niya ako minura at pinapalayas uli grabe yung nararamdaman kong sakit wala kong malabasan ng nararamdaman ko 😭😭😭 gusto man umalis iniisip ko yung mga anak ko 😭😭😭 Alam niyo yung stress na sa ibang bagay tapos ganito pa 😭 Kung tutuusin ibang ibang talaga yung asawa ko sa karamihan pero ayoko ikumpara siya sa iba dahil nga sa iniingatan ko yung feelings niya na wag masaktan pero yung feelings ko wala siyang pakelam 😭😭😭😭#advicepls #pleasehelp

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Eto na naman tayo sa mga asawang walang silbi 🤦🏻‍♀️ Alam mo naman na talaga ang kailangan mong gawin ayaw mo lang tanggapin. Tandaan mo, mas mahirap maghilom ang emotional at mental scars. Umalis na kayo diyan. Alam mo naman palang tama ang ginagawa mo at di mo pinapabayaan ang sarili mo at anak mo tapos nagpapa-api ka sa kanya? Iniingatan mo feelings niya pero feelings mo di mo iniingatan? Wag mo paratingin sa point na pati anak niyo madamay sa ganyan ng asawa mo. Umalis ka. Tumuloy ka sa pamilya, kaibigan o kamag-anak mo. Mayron ka naman sigurong ibang mahihingian ng tulong. Tignan natin kung mag-matigas yang asawa mo pag parehas na kayong wala. Please lang, sa mga ganitong post, unahin niyo minsan ang sarili niyo. Pag alam niyo na nalulugi ka na, naaapi, nagdudusa, patatagalin mo pa ba? Wag tayo martir sa katotohanan. Nanay ka. Kung sa anak mo gawin yan? Ano sasabihin mo? Ano gagawin mo? Simple di ba. Real talk lang. Gusto mo peace of mind, simulan mo ngayon. Magpapasalamat ka sa sarili mo pag naglaon.

Đọc thêm

Lumayas kna idala mo anak mo sis. Para malaman mo kung pinapalayas ka nya kasi may ibang babae na pla sya. Kung ayaw nya idala mo anak mo malamang wla babae yan.

2y trước

wala naman po kaming issue about sa Other woman ang madalas niyang issue pera