Mga Pamihiin:Tama o Mali?

Mga Paniniwala: Tama o Mali? (1) Payo Ni Doc Willie Ong Sa dating programa ni Boy Abunda at Kris Aquino, pinag-usapan namin ang iba’t-ibang paniniwala tungkol sa kalusugan. Kasama ko doon sina Ogie Diaz, Winnie Cordero, Gina Pareno, Jodi Santamaria-Lacson at Dra. Pie Calayan. Kayo, alam ba ninyo ang tamang sagot? 1. Para hindi mausog ang bata, dapat ito lawayan sa noo o tiyan. Sagot: Mali. May bacteria ang laway at madumi ito. 2. Magkakasipon ang bata kapag inilabas ng bahay ng lampas alas singko ng hapon dahil sa hamog. Sagot: Mali. Wala namang virus sa hamog. Ang virus ang nakahahawa. 3. Lagyan ng suka at tina ang pisngi ng may beke. Sagot: Mali. Kusang gumagaling ang beke kahit walang suka o tina. 4. Gamot ang unang ihi sa umaga para sa pawisin ang kamay o paa. Sagot: Mali. Madumi po ang ihi. I-flush ito sa kubeta. 5. Pakainin ng nilagang butiki ang taong may hika para gumaling ito. Sagot: Tama. Sa Chinese Medicine binibigay ang butiki para sa may hika. Pero mas maganda na uminom na lang ng tunay na gamot sa hika. 6. Patakan ng breast milk ang sore eyes para gumaling. Sagot: Mali. Gumamit ng antibiotic eye drops para sa sore eyes. 7. Huwag matulog ng basa ang buhok, nakalalabo ng mata at nakamamatay. Sagot: Mali. Lagi si Kris natutulog na basa ang buhok. 8. Bawal maligo ang babae pag unang araw ng menstruation dahil maloloka. Sagot: Mali. Dapat maligo ang babae para malinis ang katawan. 9. Bawal magbasa ng paa or katawan pag pawis o galing exercise, mapapasma. Sagot: Tama. Dapat magpahinga ng 30 minutos bago maligo. Gumamit din ng maligamgam na tubig. 10. Bawal magsuot ng maiikling damit ang bagong panganak na babae dahil baka masumpit ng hangin at mabinat. Sagot: Mali. 11. Gulatin ang sinisinok para mawala ang sinok. Sagot: Mali. Ang sinok ay dahilan sa hindi pagkatunaw ng kinain. Uminom ng mainit ng tubig. 12. Pakainin ng hilaw na egg yolk ang buntis sa kabuwanan niya para maging madali ang panganganak. Sagot: Mali. 13. Ang pansit daw ay pampahaba ng buhay. Sagot: Mali. Masarap ang pansit at nakapagpapasaya ito. Pero hindi tiyak na hahaba ang buhay mo. 14. Bawal ang kape sa bata dahil hindi ito lalaki o tatangkad. Sagot: Tama. Ang kape ay may caffeine na puwedeng magdulot ng hindi pagkatulog ng bata. Kapag kulang sa tulog, hindi maglalabas ng growth hormone ang ating katawan at papandak ang bata. Kaya mga bata, matulog ng maaga para tumangkad.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Yung anak q sobrang makikape. Yung tipong di pwedeng kumain kung walang sabaw na kape sa kanin. Pero madali siyang makatulog sa tanghali at gabi.