Philhealth Indigent

Hi mga nanay's out there!? So, share ko lang yung about sa INDIGENCY PHILHEALTH OR SPONSORED PHILHEALTH!! Kapag nakapag-enroll po kayo ng Indigency Philhealth, 100% wala kayong babayaran sa PUBLIC hospital. Take note: Kahit umabot pa ng 100k yang bill niyo 0 billing pa din po kayo basta naka-INDIGENCY OR SPONSORED PHILHEALTH kayo. Example: Via CS ka, WALANG AVAILABLE na GAMOT si PUBLIC HOSPITAL na kailangan niyo ni baby. Hindi po kayo maglalabas ng pera para bumili ng gamot niyo, si PUBLIC HOSPITAL po ang magpoprovide nun para sa inyo basta naka-INDIGENCY PHILHEALTH po kayo. Kung NAGBAYAD kayo sa PHILHEALTH ng 2,400 na sinasabi nilang good for 1year, HINDI NA PO KAYO MAKAKAPAG-AVAIL NG SPONSORED PHILHEALTH. Kaya kung may kailangan po kayong gamot pero HINDI AVAILABLE SA PUBLIC HOSPITAL, kayo po mismo ang bibili sa labas ng irereseta nila sa inyo. Kaya sa mga soon to be mommie's dyan, mag-enroll na po kayo ng INDIGENCY OR SPONSORED PHILHEALTH habang maaga pa po. 1 day process lang po yun. Magdala lang po ng pamasahe and tubig, tsaka payong. ?? Pano makakakuha ng INDIGENCY PHILHEALTH? * Punta ka sa brgy niyo, hingi ka form ng philhealth tsaka brgy id and don't forget na manghingi ng brgy. indigency. * Fill-upan mo yung philhealth form. Pa-xerox mo yun brgy id mo and brgy indigency and ultrasound mo. * Punta ka sa cityhall niyo. Mayor's office. After mo ibigay yung mga requirements which is yung brgy. Id, philhealth form and brgy indigency pati ultrasound. Hintayin mo, may ibibigay sila sayong papel na ikaw mismo magdadala sa philhealth office na malapit sa inyo. * Pagkadating mo sa philhealth, ibigay mo na sa kanila yung binigay na papel na galing naman sa cityhall. *Wait mo lang ng konti momsh, after nun may ibibigay sila sayong certificate na ikaw ay member na ng indigency or sponsored philhealth.

Philhealth Indigent
209 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Yung philhealth ko po indigent pero kailangan ko pa rin po bang i update kasi nung last time na pumunta ako sa office ng philhealth may nakalagay po duon na effectivity period: jan. 1 to dec. 31 2019 po

5y trước

Wala po kayong babayaran if naextend po sainyo hanggang December 2020.Sasabihin naman po doon kung naextended o hindi

Hello I want to ask po if pwedi pa mag apply ng indigency philhealth? Kasi nkpaghulog ako last year July-Dec.2019 and this year Jan-June. Due date ko po this coming April. Please need your help🙏

What if sa doctor po ako nagpapcheckup and may indigency po ako na philhealth at magpapaconfine po ako sa public hospital via cs po kasi ako may bayad padin po ba or zero billing padin po kahit via cs?

Hello po what if po pag nakapag bayad na ako last sept2018 ng 2,400 for update sa philhealth pwede parin ba ako ngaun makapag enrol ng indigency? 3months preg here Salamat po sa reply

thankgod at meron ako nyan , inasikaso ko tlga yan mula nung magbuntis ako sa unang anak ko, di alam ng asawa ko , (dipa kmi kasal) kaya khit pano laking tipid aamin ang magkaron ng philhealth

Indigent din ako.. May philhealth aq dati, volunteer.. Pero d ko na nhulugan.. Nung namigay brgy namin nung form.. Naka avail ako indigency.. Until now..meron ako.. Wla akong byad nung nanganak..

6y trước

pag normal po maliit lang, pag cs po 19k ang alam ko.

Member po ako..tqpos na stop po aq ng bayad kc nag stop na aq ng wprk..start march wla na po aqng bayad sa philhealth manganganak po aq ng nov..magagamit ko po ba phil.ko? Tnx

ask qu lng din po what if po kung nkapag apply kna ng philhealth last 2017 ng indigent po.. pwede pa po kaya mg apply ulit ng indigent this year? kase manganganak po aq this april

Thành viên VIP

Hello mga momshie! 😊 paano po kapag nkapag bayad na ng Phil health hanggang June 2019.hindi na po ba ako makaka avail ng Phil health indigency? I'm 22weeks pregnant 😊

6y trước

Welcome :-)

Kailangan po ba pag mag-enroll sa indigency Philhealth pag manganganak na po? Sabi po kc sakin bumalik nalang daw po pag manganganak na ako. Pro may indigency na po ako.