Philhealth Indigent

Hi mga nanay's out there!? So, share ko lang yung about sa INDIGENCY PHILHEALTH OR SPONSORED PHILHEALTH!! Kapag nakapag-enroll po kayo ng Indigency Philhealth, 100% wala kayong babayaran sa PUBLIC hospital. Take note: Kahit umabot pa ng 100k yang bill niyo 0 billing pa din po kayo basta naka-INDIGENCY OR SPONSORED PHILHEALTH kayo. Example: Via CS ka, WALANG AVAILABLE na GAMOT si PUBLIC HOSPITAL na kailangan niyo ni baby. Hindi po kayo maglalabas ng pera para bumili ng gamot niyo, si PUBLIC HOSPITAL po ang magpoprovide nun para sa inyo basta naka-INDIGENCY PHILHEALTH po kayo. Kung NAGBAYAD kayo sa PHILHEALTH ng 2,400 na sinasabi nilang good for 1year, HINDI NA PO KAYO MAKAKAPAG-AVAIL NG SPONSORED PHILHEALTH. Kaya kung may kailangan po kayong gamot pero HINDI AVAILABLE SA PUBLIC HOSPITAL, kayo po mismo ang bibili sa labas ng irereseta nila sa inyo. Kaya sa mga soon to be mommie's dyan, mag-enroll na po kayo ng INDIGENCY OR SPONSORED PHILHEALTH habang maaga pa po. 1 day process lang po yun. Magdala lang po ng pamasahe and tubig, tsaka payong. ?? Pano makakakuha ng INDIGENCY PHILHEALTH? * Punta ka sa brgy niyo, hingi ka form ng philhealth tsaka brgy id and don't forget na manghingi ng brgy. indigency. * Fill-upan mo yung philhealth form. Pa-xerox mo yun brgy id mo and brgy indigency and ultrasound mo. * Punta ka sa cityhall niyo. Mayor's office. After mo ibigay yung mga requirements which is yung brgy. Id, philhealth form and brgy indigency pati ultrasound. Hintayin mo, may ibibigay sila sayong papel na ikaw mismo magdadala sa philhealth office na malapit sa inyo. * Pagkadating mo sa philhealth, ibigay mo na sa kanila yung binigay na papel na galing naman sa cityhall. *Wait mo lang ng konti momsh, after nun may ibibigay sila sayong certificate na ikaw ay member na ng indigency or sponsored philhealth.

Philhealth Indigent
209 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

lalo napo kung sa palengke or nkikipagtinda kalang na wala naman health benefits na binibigay yung pinagtitindahan mo kc arawan binibigay sahod mo diba? tama po kaya dapat mas lakihan nila ang discount sa mga nagbabayad ng yearly sa philhealth....kesa dun sa mga automatic na cnasabi ng pangulo....

Sana may house visit bago makakuha ng indigency certificate. Kawawa naman ung mga deserving talaga makakuha nito inaabuso ng iba na may kakayanan naman mag bayad. Sana ibigay nalang natin sa may kailangan talaga ung opportunity na to. Okay na ung may discount kasi laking tulong din naman yun sa atin.

Đọc thêm
5y trước

Tinitingnan pa din naman po, saka malamang naman po kilala naman kayo ng mga taga barangay niyo or ng kapitan niyo at alam niya naman kung walang wala kayo. 😊

Thank God! Sponsored na ang philhealth ko good for 1 year.. Kailangan lang ng medical abstract at certificate of indigency submit sa Social Service from Quezon City Hall then bibigyan ka ng certification sa philhealth.. Pag May Tiyaga may Mapapala!!!

Đọc thêm
6y trước

@mamshie nagpunta lang kasi kosa brgy namen. then ininterview ako tinignan bahay

Yung sakin dko na kuha philhealth I'd ko nun kasi mama ko naglakad nung nasa hospital ako tapos mahigt 1yr ata yun bago ko kuninSabi nila expired na daw indigent ko Kaya kaylagan ko daw magfillup ng form ulit ata hulugan kasi expired na gnun po bayun?

Ask ko lang po, indigent po kasi philhealth ko. Nung nanganak kasi ako sa 1st baby ko, may binayaran pakong 3k mahigit sa bill niya, tas yung sakin naman. Pinag provide talaga ko na, kami ang bibili ng gamot. Diba po dapat sakanila na yun? 😑

Pano po pag before malaman ng pregnant nakapag register at may ID sa PhilHealth na informal economy wala pa pong nahuhulog kahit magkano tas mag aaply for philhealth indigency pwede po ba yon??? Thank you po sa sasagot sana po masagot

Wag nyo po sana abusuhin ang indigency philhealth, para lang po iyon sa talagang mahihirap nating kababayan. Nakakahiya din sa barangay na pupunta kayo dun ng pormado at naka kotse pa tapos manghihingi lang ng indigency certificate.

Hi po! Let’s give chance to those who really can’t afford hospital billings, if may capacity naman po kayong magbayad, pls pls do give your fair share. This program was designed for those who has nothing and can’t really afford.

Hi po tanong ko Lang po haliwbawa Hindi po kayo agad nakakuha Ng philhealth tapos nakapanganak napo agad kayo na di nyo inaasahan sa public hospital pwede po Kaya dun mismong gawin yung indigent philhealth habang di pa kayo nakakalabas ni baby?

hi po , medyo late n reaction, tanong ko lng po , yung kapatid ko kac nag pa online register sa philhealth, nakakuha naman po sya ng philhealth number pero d pa naka2paghulog, ma aavail nya pa rin kaya yung philhealth indigency? salamat po.

5y trước

I think po ma avail parin po niya yung indigency. Kasi ako last 2017 nag apply ako ng philhealth for voluntary contribution bali 1st quarter of the year lng nabayaran ko tapos hindi ko na nasundan yung paghulog kasi nag resign ako ng trabaho.. tapos nitong 2019 may binigay yung barangay sa akin na philhealth i.d tapos indigent napo ako . .