Philhealth

Hi mga nanay's out there!? So, share ko lang yun nalaman ko kanina about sa INDIGENCY PHILHEALTH OR SPONSORED PHILHEALTH!! Kapag nakapag-enroll po kayo ng Indigency Philhealth, 100% wala kayong babayaran sa PUBLIC hospital. Take note: Kahit umabot pa ng 100k yang bill niyo 0 billing pa din po kayo basta naka-INDIGENCY OR SPONSORED PHILHEALTH kayo. Example: Via CS ka, WALANG AVAILABLE na GAMOT si PUBLIC HOSPITAL na kailangan niyo ni baby. Hindi po kayo maglalabas ng pera para bumili ng gamot niyo, si PUBLIC HOSPITAL po ang magpoprovide nun para sa inyo basta naka-INDIGENCY PHILHEALTH po kayo. Kung NAGBAYAD kayo sa PHILHEALTH ng 2,400 na sinasabi nilang good for 1year, HINDI NA PO KAYO MAKAKAPAG-AVAIL NG SPONSORED PHILHEALTH. Kaya kung may kailangan po kayong gamot pero HINDI AVAILABLE SA PUBLIC HOSPITAL, kayo po mismo ang bibili sa labas ng irereseta nila sa inyo. Kaya sa mga soon to be mommie's dyan, mag-enroll na po kayo ng INDIGENCY OR SPONSORED PHILHEALTH habang maaga pa po. 1 day process lang po yun. Magdala lang po ng pamasahe and tubig, tsaka payong. ?? Pano makakakuha ng INDIGENCY PHILHEALTH? * Punta ka sa brgy niyo, hingi ka form ng philhealth tsaka brgy id and don't forget na manghingi ng brgy. indigency. * Fill-upan mo yung philhealth form. Pa-xerox mo yun brgy id mo and brgy indigency and ultrasound mo. * Punta ka sa cityhall niyo. Mayor's office. After mo ibigay yung mga requirements which is yung brgy. Id, philhealth form and brgy indigency pati ultrasound. Hintayin mo, may ibibigay sila sayong papel na ikaw mismo magdadala sa philhealth office na malapit sa inyo. * Pagkadating mo sa philhealth, ibigay mo na sa kanila yung binigay na papel na galing naman sa cityhall. *Wait mo lang ng konti momsh, after nun may ibibigay sila sayong certificate na ikaw ay member na ng indigency or sponsored philhealth.

Philhealth
43 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ask ko lang , kelangan ba botante ka sanasabing lugar? or ok lang kahit hindi pero nagtagal ka sa lugar na un? makaka kuha paden ba indigency?

ask ko lng po momsh dati n ksi ko may philhealth pingawan ako ng byanan ko .. sa brgy. i mean galing sa gobyerno nsya ano po ibig sabihin nun ? ..

3y trước

punta ka ng philhealth makikita nmn nila sa computer qng indigeng philhealth m o nd

Dto po samin kpg nagpacheck up ka sa center automatic mgkkron ng philhealth mga preggy.. Wg ko na nga dw hulugan ung dti kong philhealth eh

Ask po, ilang mos po pwede maglakad ng indigency? pwede po kaya sya sa lying in? Pampublic hospital lang po sya? thankyou po sa sasagot.

Madali lang ba makahingi ng form sa Brgy.? Or may mga interviews pa to get a form? Like asking your minimum earnings, kabuhayan or what?

ei pano pala sis .. merun kanang indigent .. kumuha kana before tapos nahulugan muna nang jan to dec .. pwede parin ba mazero bill

Đọc thêm

Sis pano po if member kana? Pwede padin ba mag avail and what if po senelf employed mo lang yung Phil health mo?

ask ko lng din po Edd ko po sa October 31.ung indigent Philhealth ko at 2016 pa. balak ko po sana irenew panu po ba? 😌

nakakuha na po ako dati ng philhealth Indigency nung 2018 ask ko lang po kung pwede po ba ako ulit makakuha ngayon

paano po kapag may philhealth kana tapos tumigil ka sa pag huhulog pwede papo ba kumuha ng indigency