Ask lang po mga mamsh

May mga nagbubuntis ba na hindi minamanas? If lahat minamanas during pregnancy mga ilang weeks or months nagstart yon? Curious lang ftm kasi and currently 7months wala pang nagbabago sa body ko na kahit ano talagang bumibilog lang tyan ko pero hindi kasi ako nataba, hindi nangingitim kili kili and as of now no stretch mark and sana magtuloy tuloy inaalaagaan ko din kasi sa moisturizer body ko

6 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

ako din mii hindi rin nataba o nangitim kilikili, wala din stretch marks ( kase nasa genes daw yun )pero yung paa ko medyo namanas, yung sa ankle part lang, around 8-9 months pero nawawala sya pag ineelevate ko pag resting o pag matutulog sa gabi.. after ko manganak dahil na-cs ako, namanas buong legs ko hanggang paa for about a week then nagsubside naman. basta normal bp mo, di ka nyan magkakaproblema. basta iwas lang sa maalat talaga para hindi ka magretain ng fluid sa body mo.

Đọc thêm

Me po turning 7mos preggy. Team May po wala din po ako manas. walang strechmarks hindi dn po nangitim mga singit singit ko like kili kili. kaya kala ko bb Girl na hehe bb Boy padin pala. 😁😁

Yes may mga buntis na hindi minamanas, yung mom ko 5 kami lahat never sya nagkamanas, siguro sa genes factor then po, buntis ako now hindi ko pa din narasan ang manas, sana walang manas hehehe

Ako hindi ako minanas sa panganay ko and currently wala pa rin. Sana wag ako manasin nakakatakot

pano hindi umitim ang kilikili??? pabulong po ng secret deo nyo

4y trước

Tawas lang sis bawal kasi mga deo na may whitening eh yung tawas talaga na buo pa na nabibili sa watsons yun lang ginagamit ko walanko ibang inaapply

same here po 6mos preggy