Pag bubukod

Mga mumsh, nahihirapan ako magisip pabigla bigla ksse ang LIP ko gusto na niya bumukod agad agad. Naiintindihan ko naman siya kaso ksse ang iniisip ko is yung budget. Ako nag tatrabaho and siya naman ay hindi regular work niya okay naman ang kita ko kaso lahat ng kita ko ubos sa binabayaran namin sasakyan at hinuhulugang bahay, kulang pa nga eh. Pero siya gusto niya na umalis dito sa bahay ng parents ko tho naiintindihan ko naman siya kaso nag aaway kami ehhh iniisip niya lagi akong negative. Sinasabi ko lang naman sakanya kung ano yung opinion ko, na baka mabigla kami dahil sa ngsyon eh ako lang naman ang may regular na work. Ayoko bitawan lahat ng hinuhulugan namin saka parang magiging doble ang gastos kung kukuha pa kami apartment tapos nag huhulog kami sa bahay namin. Ang hirap araw araw na lang kami nag tatalo. Di ko alam kung tama ba na umalis na kami agad agad #advicepls

5 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

In your case nmn mii parang baliktad nmn samin ng partner ko ako nmn ung gustong gusto na lumipat although hindi rin permanent/ di pa.regular ei mahirap para sa kanya dahil iniisip nya what if matapos na ung contract nya, he.always ask me na what if mag endo na ko kailngan ko na nmn maghanap ng bagong work na permanent, naintindihan ko nmn sya kaso kasi mii sobrang hirap pagmakikitira pa talga kayo sa bahay ng partner mo or ninyo kasi lagi talga kayo magtatalo nyan same with us walang araw na hindi kami nagtatalo kaya i/we decide na magbukod na talga kasi sobrang gaan sa pakiramdam ang daming benefits pag nakabukod na miii isa na jan ung pag mamanage nyo ng budget na akala mo hindi nyo mapupunan lahat specially sa mga kiddos natin bu wrong mii sobrang makakatipid ka makakaipon ka pa (we do groceries na, pay water and electric bills tapos ung upahan maba-budget mo sya mii as in tje rest kung may babayaran ka pa ako nga mii nakakaorder pa hahaha, pangalawa mii you have peace unlike pagnakikitira is lahat nasisilip di ba like (wala na dapat hugasan, kung ano oras gigising , pag gamit mo ng mga gamit or paglilinos mo sa bahay) lahat yan sinisilip kung nagagawa ba natin ng maayos pangatlo pakikisama miii sobrang hirap nyan ako kasi sobrang tahimik ko lang na tao kahit may naririnig na ako na hindi maganda i don't comment na lang talga ang masaklap nyan mii magkakaroon pa kayo ng sama ng loob sa loob ng bahay d ba pang apat mii ung pagtatalo sobrang nakakahiya talga kasi pag nag aaway kami minsan sa bahay nila sagutan na kung sagutan d ba, pag nagagalit kasi sya ung boses nya as in rinig na rinig hanggang kwarto nila sa taas kaya minsan d maiiwasan na may nakikisawsaw specially ang mga parents natin kaya imbes na maayos agad ung problema mas lala pa d ba unlike pag nakabukod miii pag nag away kayo saglit lang magkakaayos agad kayo, at mapag uusapan nyo pa ng maayos at masinsinan, makakapag usap pa kayo ng kung ano pa mga plano nyo sobrang sya miii pag nag bukod you control and manage everything and you have rules, you have peace of mind, you can decide on your own, you can do whatever you want pede kang umalis ng bahay anytime, pede kayo gumala ng mga kiddos mo everywhere, pede kayo kumain sa mga fast-food ng walang iniisip na may taong nag aabang, you have time for yourself and to your friends din kasi pede na sila pumunta sa inyo anytime d ba 😊 Suggest ko lang mii bukod na kayo mii sobrang satisfying and mas magpupursige sya sa pagtratrabaho kung minsan gagawa pa ng way para makahanap ng permanent work and you plan na mag business dba kaya miii di ka magsisi sa desisyon nya na nagbukod kayo sobrang mapapasabi ka ng i live my life to the fullest talga. kaya mii Go na 💜 Take care always and Godbless 🙏🏻

Đọc thêm

Bukod po talaga ang tama mi. Since nasa inyo kayo, comfortable ka siguro, pero siya kasi na nakikipisan sa inyo iba ang pakiramdam. Kahit mababait ang inlaws, mas gugustuhin mo talaga bumukod because thats how starting a family should be. Magusap kayo ng mabuti, huwag puro negative din ang isipin. Lahat ng pwedeng mangyari ay idiscuss niyo and intindihin mo rin ang point niya pag naguusap kayo. Plan your budget ahead and discuss this with him and then pagusapan nyo kung papaano ang mangyayari kapag nagsarili na kayo.

Đọc thêm

Tama naman ung partner mo, maganda kasi talaga pag naka bukod. Pag isipan nyo budget planning nyo. Wag ka din kasing negative mi. Mahirap lang sa umpisa, pag nandun na kayo sa situation dun nyo malalaman kung pano nyo malalagpasan ung challenges ng pag bubukod. Tulungan kayo.

Maganda tlga nakabukod mi,kaso may point ka din. Tama nga nman baka mabigla kayo lalo at kamo may hinuhulugan kayo tapos ikaw lang may regular work. Sabihin mo sa partner mo konting tiis lang muna at tapusin niyo muna hinuhulugan niyo.

Influencer của TAP

Mas maganda kc,mi magbukod kahit maliit lang na bahay....kami bukod talaga eversince cmula nagsama kami c hubby lang may trabho aq sa bahay lang.