Painless injection
Hi mga mumsh ask ko lang po kung sino na po naka experience mag pa painless injection delivery Nag plan po kasi kami magasawa na magpapainject ako pag manganganak na ako. I want to know kung worth it po ba mag pa inject ng painless. Salamat po sa sasagot.
Ako momsh muntik na. Pero yung nurse na on duty sa akin that time habang nag lelabor, I encourage ako na wag mag painless. Cordcoil si baby ko. Kaya induced ako at 24 hours nag labor. Habang nag labor, sa sobrang sakit, tinanong ako ng doctor kung magpapa painless ako dahil parang mamamatay na talaga ako sa sakit. Kaya sabi ko oo doc dahil diko na kaya. Pagbaba ni hubby para magbayad ng anesthesia, mahaba pila kaya di sya makabayad at umakyat ulit. Tinanong ako ng nurse sabi magpapa painless pa ako eh 6cm naman na at pwede naman daw nya ako e sedate as long as needed. Kasi pag painless, possible na pati si baby makatulog sa loob at mas lalong hindi bumaba at baka ma cs pa ako. Kaya natakot din ako. Iniinda ko nalang lahat ng sakit at ayoko ma cs. Nailabas ko naman sya. Kahit ang tagal bumaba at 9cm palang pinutok nalang ng ob ko panubigan ko. Kasi nag iiba na heartbeat ni baby.
Đọc thêmIf you have budget , epidural , kung ayaw mo talaga makaramdam ng sakit but take note 2 hours lang itatagal nun gamot pero pwede ka naman ulit magpa inject ulit , pero syempre extra charge per inject tapos extra pf sa anesthesiologist. Side effects, pinapabagal nya yung labor so most ob will advise na start asking for epidural pag active labor ka na. But its up to you. Meron din naman local anesthesia snd spinal anesthesia isang inject lang gagawin pero 2 hours lng tatagal nun.
Đọc thêmAko po sa 1st ko and itong 3rd ko na palabas painless po since gusto ko na din mag pa ligate. Nagbibigay sila ng pang less ng pain during labor then sa delivery na po as in walang mararamdaman. Mas gusto ng mga OB un kasi ayaw nilang nato-trauma ung pasyente nila. Ako mataas tolerance kk sa pain pero mas advisable for me yung painless.
Đọc thêmOk po, thanks! 😊
Ako po di ko pa nat-try pero naririnig ko lang sa mga nakapagtry mag epidural. Pros niya is numb ka from waist down di mo mafi-feel yung contractions mo, cons naman is mas matagal kang iire para mailabas si baby. Up to you mumsh kung worth it kasi ikaw naman po ang manganganak.
Ako po kapanganak ko lang po tapos painless po ako 60k po yung bill tapos 40k nalang nabayaran ko dahil may philhealth ako nabawasan po ng 20k
painless doesn't mean no pain at all. so if kaya mo nmn po na ndi painless mas ok. pra less risk din kay baby.
sa first pregnancy ko nagpainject ako ng painless nung delivery ko.. worth it naman.. ok naman kmi parehas ni baby..
How much po inabot ng painless injection?
Ung kaibigan ko kkpangank lng painless pero sobrang sakit p rin dw. Parang di tumalab ung tinurok sa knya.
Painless advice sakin ob..pero sabi iba parang ngpacs ka na din nun..so parang undecided pa rin..
may mga mas komportable po sa pagpapaturok at may mas komportable nmn po sa normal
Hannah Luisa's Supermom❤️