Hair Loss/Fall
Hi mga Moshies! Naranasan nyo po ba ang sobrang hair fall after giving birth? Ako po kase sobrang daming nalalagas na saken. As in every sasandalan ko mag buhok na maiiwan. I dunno what to do ? may dapat po ba akong gawin or part lang po ito ng being new mom.
I cut my hair short. As in super short length yung pang lalake na cut, after 6 mos of giving birth. It helps me! Then after nun, na lessen na yung hair fall. Plus di ako nagshashampoo everyday at hindi nagtatali ng sobrang higpit.
Ako simula 3months sakto talagang nag simulang naglagas buhok ko.. huhuhu as in super, 10mos na ngayon si baby naglalagas parin ano pero nag lessen naman at may mga baby hair 😊 normal lang daw to tiwala lang. 👍
Ganyan daw sis pag aftr manganak. Kung nung buntis hnd masydo nagllagas. Pag nanganak 2x daw ang pagkalagas. Kaya ung iba ngmit ng anti hairfall or ung mga organic shampoo or mild shampoo.
Natural lang po mamsh na malagas ang hair. Ganun po talaga pag nanganganak. Nalagas ang mga nutrients dahil sa panganganak. Chos. Try ka nalang po ng organic shampoo and aloe vera.
Sa hormones pa din natin Yan momsh, kaya yung iba nagpapagupit ng buhok. Ganyan din ako kaya madalang ako magsuklay heheh dami kasi nalalagas pag sinusuklay.
Yes po mommy. Kinakabahan din ako noon kasi sobrang dami nalalagas na hair ko then I do research its normal po na maglagas ng hair after giving birth. 😊
normal po yan mamsh. ako nga manipis na buhok ko nalalagaw pa, jusko! Ginagamitan ko sya ngayon ng Gugo shampoo and Conditioner at medyo okay na sya.
Yes mumsh! Ako nag aloevera ko yung hapaman mismo twice a week.. after naman nyan mumsh tutubo uli ang magiging problema mo naman tutsang hehehe
Normal yan. Kasi bumagsak na pregnancy hormones mo :) let it be, or gamit ka organic aloe vera or ginger shampoo pra kumapal ulit..
Same po, currently lagas all the way. Nung preggy ang kapal ng hair ko, now ang nipis na po. Babalik din daw sa dati mommy.