Obimin Plus experience [ 10weeks pregnant]

Hello mga momssh na resetahan din ba kayo ng Obimin plus ng OB niyo ? Nag simula ako mag take ng Obimin Oct.15 noong una okay naman saken hindi ako nag susuka pero nag iba yung pag tanggap ng katawan ko o baka pati si baby ayaw niya ng lasa ng vitamins. di ko alam ? since first week ng november kada iinom ako ng obimin minutes lang isusuka ko na siya agad para akong nag tatawag ng uwak pag sinusuka ko... alam mo yung tipong lalagyan ko ng sipit yung ilong ko para di ko malasahan yung pag dighay ko , tapos toothbrush ako agad [ pambatang toothpaste gamit ko ??? kase ayoko na ng lasa ng colgate na pang adult ] pero ganun parin mga momssh kahit anong exhibition gawin ko talagang sinusuka ko na siya ????? normal lang ba tong nararanasan ko?? na experience niyo din ba to mga momsssh ?share namn ako ng experience niyo sa obimin plus , Salamat sa sasagot .. proud first time mom here..

Obimin Plus  experience [ 10weeks pregnant]
135 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Ako hindi. Try mo nalang isabay sa kahit milk or kahit anung drinks baka di naman isuka ng katawan mo

Nireseta saakin yan pero iba effect saakin kaya nagstick ako sa binigay ng dati kongn9b obivitmax

5y trước

Welcome po. Mas ok saakin yan. Parang natural lang na multivitamins😀

Tell your OB sis ksi hindi ka hiyang sa gamot na yan kapag ganon ganyan din ako before pinalitan ng OB ko

5y trước

Yes sis pinalitan po ni OB agad obivitmax pinalit

Ni prescribed sa akin din yan ng OB ko suka at hilo ang effect so pinapalitan ko sa kanya

5y trước

Thanks momshie pinalitan na po ng OB ko 🥰😘sabi ko kase di ko talaga kaya

Thành viên VIP

Hindi naman unbearable lasa nyan momsh ah? Baka po maganda ask your OB regarding that. 😊😊

yes, kahit nga nakaanak kana pinadederetsyo parin nga pag inom nyan eh plus yung folic acid pa

🙋‍♀️ same experience. Hirap na hirap dahil ka kakasuka nung ngttake din ako nyan nun.

Nagamit ko din yan :) pero kung di ka hiyang. Ask your OB para mabigyan ka ibang vitamins

Ganyan din ako dati maam. Try niyo pong ichange ung gamot. May ibang klaseng ganyan e..

Ganyan din po yung gamot ko sa una nagsuka ako pero ngaun okay na :) 1st time mom 😍