Share ko lang po

Hi mga momsie gusto ko lang ishare 27 days old palang po baby ko. Growthspurt stage po ata nya. Breastfeed po sya. Sobrang nakakapagod at puyat parang sasabog na utak ko 🥺🥺 pag binababa na si baby after dede naiyak agad gusto ata nya lagi hinehele at lagi hanap dede ko di ko naman sya madalas kargahin sa pag papadede ko lang sya kandong.. tapos sasabihin ng byanan kong babae sinanay ko daw kasi sa karga kwinento ko sa asawa ko yung save ng nanay nya tama naman daw nanay nya hayaan ko lang daw umiyak pag naiyak anak ko .. ewan ko pospartum stage din ata ako naiisip ko kung buhay nanay ko siguro andun kami samin inaalalayan ng mama ko kahit papaano namiss ko din mama ko ❤️ share ko lang tips din po para di masyado iyakin si baby .. salamat pasyensya ang gulo ng kwento ko 😅😅 ..

12 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hi, ang growth spurt nangyayati by 3,6,8 weeks, 3,6,9 months po. fussy o iyakin si baby, masyadonh clingy, laging dede ng dede na halos ayaw nang umalis sa suso mo o sa bote, pero tulog ng tulog. normal.lang na mafeel mo yan since nasa stage ka pa takaga na magulo pa lahat ang hormones mo sa katawan. kailangan ng matinding support. kumbaga yan yung tinatawag na 4th trimester (1st 3months after manganak which is ang pinakamahirap s alahat ng trimesters) Also, wala pong nasspoil na infant lalo na ang 28days old. di po totoo ang ganun. ang mga babies lalo na newborns, normal na iiyak ng iiyak lang gagawin nyan kasi di namn pa yan magsasasalit. cry is their form of communication sa adult. need din nyan ng comfort na nakukuha nya pag karga o hug sila ng taong nagaalaga sa kanila. dun sila comfortable at may feeling ng security. imagine kaai almost 10months na nasa comfort ng tyan, mainit dun. yun ang hinahanap nila. di pa nila alam na nakahiwalay na sila sa mommy kaya pansinin mo pag buhat mo si baby mo or madantay sya nakadapa s dibdib mo, sarap ng tulog nya kahit oadang di ok ang poaition nya di ba? inhale exhale, dasal at siguro explain sa husband mo? malaking factor ang emotional support ng asawa talaga sa 4th trimester. kakayanin mo yan. patience lang din.. 🙏🙏🙏

Đọc thêm
Influencer của TAP

mula sa pagkapanganak at hanggang sa isang taon,okey lang momsh na “spoiled” natin sa karga at dede natin si baby. Hindi rin dapat isipin ng mother in law mo na sinanay mo si baby sa karga at “ dapat hindi”. Sa psychology ng bata trust versus mistrust ang tumatapat sa baby ntin.That means need mo punan ang pangangailangan ng bata or else pag hindi,di sya magtrutrust seyo. Magkaiba rin yung bigla mong i-sleep training at di mo rin turuan sya na maging independent sa pagsleep niya mag isa pero since 27 days palang si baby,okey lang na kargahin mo sya bilang pagmamahal mo sakanya.Konting panahon at biglang lalaki rin ang anak natin,need natin enjoy at iexperience yun.Wag mong pansinin ang mother in law mo,ikaw ang higit na makakakilala sa kung ano ang needs ng baby mo po.

Đọc thêm

Same mi. 29 days si baby. Mas madalas na siya umiyak ngaun, ang hirap na patahanin. Dati basta karga ko sya kahit nakaupo lang ako sa bed okay na sya. Ngayon need ko pa tumayo at ihele-hele para tumigil sa pag-iyak. Minsan naman feeling ko nao-overfeed ko na din sya kasi kapag iiyak siya iaalok ko lang ung dede ko para tumahan. Tapos kapag nasa bed nest sya, ang bilis nya magising. Pero kapag karga ko or sa dibdib ko sya nakahiga, ang sarap ng tulog, ending ako yung walang tulog 😅 mama ko sinasabihan dn ako na ibaba kapag tulog na kasi baka masanay, pero kebs, ikakarga ko sya hanggat gusto ko, at ako naman ang nanay 😊 laban lang mi, kaya natin to, onting sakripisyo para kay baby 💜

Đọc thêm

Hindi po totoo na nai-spoil ang mga bata sa pagkarga. Kaya po sila umiiyak ay may kailangan sila, whether that's food, change diaper, etc. or simply comfort. And that'll be the case until they learn how to talk and express themselves. In my experience, oo at sinanay ko ang anak ko na kapag gusto nya ng hugs, dede or cuddles ay ibibigay ko agad. Alam ko na kapag umiyak sya, ibig sabihin ay something is wrong. 2yo na sya ngayon at hindi sya iyakin or clingy, on the contrary, very independent at sa saglit lang kapag umiyak. I think it's because very secure sya sa love and attention na ibinibigay namin sa kanya...

Đọc thêm
2y trước

Tulad po ng sabi nyo, possible na growth spurt stage po sya. Kapag naggo-growth spurt, all you can do is give more cuddles and unlimited patience. Imagine nyo lng po tayo during our periods, sobrang discomfort natin (physically, emotionally) dahil sa irregular hormones. Similar din po during baby growth spurts when our baby is undergoing so much changes in their body na hindi rin nila maintindihan ang discomfort na nararamdaman nila. Kaya compassion and patience lang po. Please don't forget to take care of yourself as well *hugs!

Tips para diyan,. Your Baby,Your Rule huwag mus ila pansinin,pag new born talaga nag aadjust yung bata. maslalo ka mahihirapan kapag ma stress si baby kasi naninibago palang siya sa mundo,.kelangan ka niya,.Dont worry mommy pag mag 2-3 month na si Baby babago nanaman routine iyan,. promise maibababa mu nasya,. ganyan din sa akin nun,. pero diko sila pina pakinggan ,. binubuhat ko Baby ko noon at ippi na pahiga sa Chest ko matutulog akong ganun posistion namin kasi ramdam niya ang init nga yakap ko sa kanya,.. pero ngaun okay na sya mommy,.. kaya na niya matulog sa bed niya

Đọc thêm
Thành viên VIP

In my case and experience kasi um yung baby ko nasanay sa karga everytime halos 4hrs ko din syang karga ikot lang kamo ng ikot sa loob ng kwrto gang sa antukin wala kasi kami duyan and then nong natutu na gumapang at lumakad ayun dina nagpapakarga pag kinarga mo galit pa at mag wawala at ngayon sobrang namiss ko yung mga time na kinakarga ko baby ko 2yrs old na kasi baby ko pero for me lang ahh mas ok na yung sanayin mo sya sa karga everytime may kailangan sya sayo kasi yun lang yung comfortzone nila malay mo pagkalaki nyan mamiss mo yung mga times na kinakarga mo sya

Đọc thêm

First time mom po ako pero hindi ako naniniwala na pag umiyak hayaan lang kasi baka masanay, sinabi nadin po yan ng nanay ko na wag sanayin sa karga di ko sinunod, kasi naniniwala ako kailangan ng baby iparamdam mo sa kanya na anjan ka lang need nya ng yakap at karga mo.syempre naninibago pa yan at sa loob nga naman ng tiyan madilim at mainit tapos biglang iba na feeling nya sa labas. Lumang paniniwala na lang yan na wag sanayin sa buhat jusko ano malay naman ng sanggol hindi pa nya alam ang salitang 'mawiwili'

Đọc thêm

ganyan din lo ko before 1 month and until 1 month niya now growth spurt din siya palagi gusto naka dede saken kahit nakadede na siya sa bottle ng breastmilk ko wala siyang tigil sa iyak habang di hinehele at di pinapadede sa pinaka dede ko momsh and 1 am siya nag isstart mag ganun di ko siya mababa kahit sinanay ko siya na laging nasa crib niya after magburp dati😊

Đọc thêm
Thành viên VIP

Pero pag naka bukod ka kahit buong araw mo kargahin si baby di ka mamoblema pramis ngayon kasi sasakit ulo mo dyn kasi nakatira ka sa inlaws sympre di mo naman pwde kontrahin yung experience nila !! kami kasi ng mr ko bukod kami at kahit buong araw ko karga yung baby ko nawawala yung antuk at pagod ko

Đọc thêm

same here mons. 1 month old na si baby at hirap ako sa puyatan lalo nat nagkaroon ako ng postpartum preeclampsia tpos ngayon anxiety nnmn kmi lng Kasi ng mister ko nag aalaga sa newborn ko struggle tlga kmi parehas lalo na ako malayo sa magulang kaya tiis lng tlga mi malalagpasan din natin ito