Totoo ba nakakaitim ang chocolate kapag buntis ka?
Hello mga momshies totoo ba na kapag kumain ka ng chocolate or kahit anong maiitim eh iitim din si baby ? Kasi ako pinagbabawalan super crave ako sa chocolate , lalo na kapag pinagbabawalan ako talagang hinahanap ko 🥺 #firstbaby #firstmom
Hindi yon totoo. Maitim anak mo kapag maitim magulang, maputi yan kung maputi magulang. Atska why naman nabobother ka? Ako proud negra pero madaming nagsasabi na black beauty ako. Kahit itabi mo ko sa maputi, mas mapapansin ganda ko😂😂 So wag mo dinedegrade maiitim, sa uri ng tanong mo parang ayaw mo sa maitim e😂
Đọc thêmAko din 1st trimester, sa chocolate lang ako ginagahan kumain, chocolate cake, ice cream champorado. Kaya sabi nila baka maitim baby ko. Pareho kami maputi ng asawa ko kaya di ako bothered. Hindi naman sa pag di discriminate ng color ano? Pero parang awkward kung pareho kayo maputi tas baby nyo maitim or pareho kayo moreno/a baby nyo meztiza, tho hindi sya imposible. Pero hindi sya pang di discriminate. Okay??
Đọc thêmNasa lahi ng parents yan mhi hehehe... Like me ako maputi mister ko maitim,, panganay ko sobrang puti parang anak daw, ng koreano pag magkatabi sila ng papa nya,, kaya pati blood-type prehas kami,, and now excited nako sino kamukha ng baby brother nya,, bsta healthy walang prob. Saken sino kamukha hehe or kakulay,, 😊😊😊💕 Stay safe mga kamommhies na buntis,, stay healthy tayo lagi,, ❤️❤️❤️
Đọc thêmHehe... Ok lng yan,, if ipanganak parin ng kayumangi c baby pag lumalaki ng iiba parin kulay nila,, pamangkin ko naku negro kulay labas nya, tas nung nag 2pataas na sya pumuputi kulay nya lalo nung ng pandemic di lumalabas ayun mas pumuti pa,
nag crave ako dati nung toblerone muntik pako mapaanak ng maaga dahil di ko agad nabili, kayumanggi kulay ng anak ko since maitim tatay nya and hindi naman big deal kung maitim or puti si baby ang mahalaga healthy at makain mo yung gusto mo, mas mahirap yung malaglagan ka dahil di mo nakain gusto mo 🙂
Đọc thêmMother ko kasi ang may ayaw hindi naman ako , maitim din naman tatay ng baby ko kaya hndi na ako magtataka 😊
Nung 7weeks palang tummy ko cravings ko nun grilled liempo tsaka inasal. Yung Liempo umaga hanggang gabi gusto ko yon lang kakainin ko 😂. Kaya sBi ng mama ko naku nognog anak mo nyan. Pero di ako naniniwala. Sa genes parin yan. Now im 9weeks preggy. Firsttimemom.
Ewan ko ba sa matatanda hahaha mother ko naman ang may ayaw hndi ako eh sabi nya daw ksi totoo yun ksi yung ate ko pinaglihi nya sa chocolate kaya ayun maitim pero yung daddy naman namin maitim hahaha
parang ndi naman po un connected my. hehehe. bawal chocolate pag may history po ng diabetes. madali po kasi nakakapag pataas ng sugar ung chocolate. pag nagkataon kawawa c baby. kasi mag kaka Gestational diabetes siya sa loob.
Yung mama ko po, pinaglihi nia ako sa Dark Chocolate pero same kami maputi hehe. Pero may maliit ako na balat sa bandang hita at tyan 😅 mga kasabihan lang baka yon na ung result ng pinaglihian ni mama dati haha.
This 2nd tri ko matatamis kinecrave ko 🥺 lalo na sa gabi hndi ako mapakali 🥺 hindi naman ako takot mangitim baby ko ksi maitim tatay ng baby ko hahaha
Hindi po totoo yan, kase yung SIL ko pinaglihi nya yung anak nya sa mga chocolate and nung lumabas yung baby maputi sya. Sa genes po yan, kung maitim ka maitim din po yung baby hindi po dahil sa chocolates.
one time nagbaon ako ng pritong talong sa work, kinuha sakin ng mga kawork ko kasi bawal daw kainin ng buntis, hinayaan ko na lang kahit medyo sumama ang loob ko kasi paborito ko talaga ang pritong talong.
ako mi puro chocolate kinakain ko nung buntis ako first trimester hanggang bago malabas si LO chocolate pa rin ako buti nga normal sugar ko hehe, maputi namn si baby ko. Pero maputi rin kse ako at papa nya