Breast Feeding Problem

hello mga momshies. sorry desperate moves na talaga ako. sobrang naiiyak ako kasi kakapanganak ko lang last May 19. sa kagustuhan kong mapabreast feed ang baby ko, nag pump ako sa dede ko, may lumabas naman kaso konti konti lang. pinilit ko. then hanggang sa may lumabas nang dugo. naiyak ako kasi inip0n ko ung kaunting colostrum na un tap0s napatakan pa ng dugo ?? diko alam kng pede kopa na un ipadede sa baby ko kahit ihalo kona lang sa formula milk. any advice po please.. gustong gusto ko talaga mapa breastfeed si baby ??? naiiyak na ako. ??? salamat po. and God bless in advance.

Breast Feeding Problem
54 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Momshie, cs ako nanganak as in wala akong gatas sinabihan lang ako ng kasama ko nanganak uminom daw ako ng malunggay capsule.. ayun nagstart magkaroon ng milk paunti unti and then pinapadede ko lang kay baby hanggang mabusog siya. Kahit matagal tiyaga tiyaga lang momshie dadami din yan milk mo like me.. depress din ako dyan dati sa kagustuhan ko ibreastmilk si baby kaya parang naging pacifier na dede ko nun..

Đọc thêm
Thành viên VIP

Mam, i suggest lagi nyo linisan ang nipples nyo with cotton and water, alisin nyo yung naka bara sa butas ng nipples nyo. Wag nyo na lang po ipadede sa baby nyo kung nahaluan na ng dugo. Try nyo po gawin ito kc ginawa ko na rin. Basain nyo ang face towel sa mainit na tubig hanggang sa kaya nyo ang init ilapat ang face towel sa breast nyo para d tumigas ang milk at madali nyong mapadede sa baby nyo.

Đọc thêm

Hi mommy, sa 1st baby ko ganyan din. May blood na ung napapadede ko kasi sugat na sugat ung nipple ko. Pero okay lang naman sya as long wala kang sakit. And you can join magic 8 sa facebook. Super laki ng natulong sakin ng group na un kasi they will give you advice. Me, from konting milk now i have enough breastmilk na to feed my baby 🤗. You can do it also mami. Very early pa to give up! 💪 .

Đọc thêm

Ang newborn halos half to full tsp lang need per feed. So expected dapat na gapatak patak lang sa umpisa po yan. Basta ang importante unli latch sya. Kasi increase in demand, increase din ang supply. So kung di sisipsipin ni baby yan di malalaman ng katawan niyo na kailangan pang gumawa ng mas marami.. Yang dugo normal po, okay lang mainom ng baby. Mapopoop niya din yan.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Ganyan na ganyan din kami ng husband ko. Nakakaiiyak po. Pero don't lose hope po. Inom po kayo ng tubig, gatas, milo, mga masasabaw na foods. Tapos po kapag dedede ba si lo, magpump na po kayo kask lalakas po lalo ang boost ng breastmilk kapag sabay magpapadede at pump. Huwag po papastress. Sabayan niyo rin po ng tulog si lo.

Đọc thêm
Thành viên VIP

mommy unlilatch lang kay baby and pag newborn kasing liit lng ng calamansi capacity ng tyan nila. kung ano ang demand ng baby ganun lang ang supply ng milk na lalabas sayo.as long as nagwiwi at poop baby it means tama lng nakukuha nya .then after 6 weeks ka pa pwede mag pump or else mag ooversupply ka.

Đọc thêm

Hi mommy, i-direct latch mo lang si baby sayo. wag ka muna mag pump. may simulation kasi and suckle ni baby sa breast which will help us to produce more milk. :) wag ka mag alala na konti lang milk mo kasi hindi need ni baby nt madami since and stomach nila is not bigger than a centavo coin. 🤗

First, Wag mo na po ipainom yan.. kasi pwede ma-infect si baby at possible na magkaroon din ng blood yung poop nya. Second, ang colustrum po ay madami at umaabot ng buwan, so dont worry mommy. Wag mo pong pilitin na mag pump na mag pump., i direct latch mo si baby para mas dumami ang milk supply mo..

Đọc thêm

Uminom ka nang bearbrand Sterelize Isa malunggay capsule Isa Tas ipadede mo nang ipadede Kay baby kahit Wala siya makuha . Sisipsipin nya Yon hanggang sa Lumabas Gatas mo then mag ulam ka nang tinola na may malunggay puro may mga Sabaw Ulamin mo Yung mainip pa hihigop kana nang Sabaw .

Fruits and puro sabaw na ulam. Mas maganda yung noodles na may malunggay and egg. Ganyan din kase nanay ko. Madamot daw siya sa gatas kaya ganun pinapakain and healthy pa. Thanks god nga kase pag lumabas na aking anghel di ako mahirapa pag breastmilk kase magatas ako ❣️