Maternity Benefits

Hi mga momshies! Sino po dito employed? Ask ko lang sana if ilang beses ba ung maccredit sa ating benefit for maternity? Bago kasi ako mag ML may nacredit sa aking full pay worth 78k good for 3 months na diniscuss ng HR sakin. Pero iniless pa don yung deductions and loans ko from company na computed for 3 months. Now my question is, yun na po ba yung maternity benefit na sinweldo kong lumpsum? Or may marereceive pa po ako na galing sa SSS? Kasi medyo nakakalito, may nakausap kasi ako kawork ko na kapapanganak lang. Same kami na may nacredit bago mag ML pero sya may inaantay pa dw sa August which is yung another benefit na kay SSS. Please help me. Di kc ako makapag antay mag wkdays pra maiask kay HR baka sakaling may same thoughts dito ng concern ko. thank you!!

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

yun na yung 78k sis. naiadvance na ng employer mo yung maternity benefit mo. employer na yung kukuha ng ibibigay ng sss for maternity mo since inadvance nya na sayo.

yun na po yun momsh..pag employed ka...advance tlagang ibigay ng employer yn..sakin dn nung nkuha ko andaming deductions

3y trước

aahhh or baka nga cash assistance from your company yan momsh...kakainggit nman kung ganun...may separate payslip namn cguro jan or you can also reach out to your HR..