Pusod ni Baby

Hi mga Momshies, kelan ba totally gumagaling ang pusod ni baby? mag 2 mos na kasi baby ko hanggang ngaun di pa ok ung pusod nia eh normal ba un ??

Pusod ni Baby
90 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ang pusod ng baby ay ang pinagtanggalan ng umbilical cord na nagdurugtong sa sanggol at sa kaniyang ina noong ito ay nasa sinapupunan pa. Ito ay nakakabit sa placenta o inunan at dinaraanan ng oxygen at mga nutrina na kailangan ng sanggol habang siya ay nasa loob pa ng tiyan ng kaniyang ina. Sa umbilical cord rin dumadaan ang mga dumi na lumalabas mula sa katawan niya. Samakatuwid, ang umbilical cord ang nagbibigay buhay sa isang fetus bago ito tuluyang maipanganak at lumabas sa mundo na kalalakihan niya. pusod ng baby Image from pixabay Pagkapanganak, pinuputol ang umbilical cord ng isang sanggol dahil sa kakayahan na nitong huminga, dumede at maglabas ng dumi mula sa kaniyang katawan ng mag-isa. Mag-iiwan ng stump o maliit na parte ng umbilical cord sa labas ng tiyan ng isang sanggol na hihiwalay at malalaglag din ng kusa kinalaunan. Samantala, ang butas na kinalagyan nito sa tiyan ng baby ay kusang magsasara at matutuyo na tinatawag na belly button o pusod ng baby. Mula sa pagkapanganak hanggang hindi pa ito tuluyang natutuyo, ang pusod ng baby ay nangangailangan ng maayos at maingat na pangangalaga. Dahil ito ay isang bukas na sugat na nakakonekta sa tissue sa loob ng tiyan ng baby, ang pusod ng baby ay maaring makasakit sa kaniya at maari ding maimpeksyon kapag napabayaan Pusod ng baby Sa una ang stump sa pusod ng baby ay kulay dilaw na nagkukulay brown o gray habang natutuyo. At kapag lubusang tuyo na ay magkukulay itim ito bago tuluyang matanggal nang mag-isa. Kadalasan tumatagal ng isa hanggang tatlong linggo bago matuyo ang pusod ng baby. Ngunit kung lumampas na ang tatlong linggo at ito ay hindi pa natutuyo, kailangang magpunta agad sa doktor dahil ito ay maaring sensyales na ng impeksyon na kailangan ng agarang solusyon. Paano nga ba ang tamang pag-aalaga sa pusod ng baby para makaiwas sa mga impeksyon? Narito ang mga tips na dapat tandaan. Panatilihing tuyo ang pusod ng baby. Kung ito ay mababasa, dahan-dahan itong punasan o dampian ng malambot na tela o lampin. Maari ding gumamit ng Q-tips o cottonbuds para punasan ito ng dahan-dahan. Noon, ipinapayo ng mga doktor na linisin ito sa pamamagitan ng 70% rubbing alcohol. Ngunit ayon sa mga bagong pag-aaral ay pinapatay daw ng rubbing alcohol ang mga bacteria na nakakatulong sa mas mabilis na pagtuyo at paghihiwalay ng stamp sa pusod ng baby. Sa pagsusuot ng diapers, itupi ang taas ng diapers para maiwasan ang pagkakakiskis ng diapers mula sa stump na maaring magdulot ng sakit at pamamaga sa pusod ng baby. Sa ganitong paraan rin ay maiiwasang malagyan ng dumi o ihi mula sa diapers ang pusod ni baby. Sa ngayon ay may mga diapers na nabibili para sa mga new born na may space o area ng nakatupi para sa pusod ng baby. Gumamit ng malinis na damit na ipapasuot kay baby. Maaring gumamit ng tela o bigkis sa pusod ng baby ngunit kailangan ito ay hindi makapal upang mapasukan parin ng hangin na makakatulong sa mabilis at natural na pagpapatuyo nito. Imbis na paliguan, maaring punasan lang ng basing bimpo ang bagong panganak na baby upang hindi mabasa ang pusod nito. Narito ang tamang paraan ng paglilinis o pagpupunas sa bagong silang na sanggol para maiwasang mabasa ang pusod nito. Ilatag ang tuyo at malinis na tuwalya sa sahig sa mainit na parte ng iyong bahay. Pahigain si baby sa tuwalya. Magbasa ng washcloth o bimpo at pigaan ito para walang tumutulong tubig mula rito. Punasan ng dahan-dahan ang katawan ng baby at iwasan ang pusod nito. Punasan ang leeg at kili-kili kung saan madalas na naiipon ang gatas na denede ng baby. Punasan ang katawan ng baby ng tuyong tuwalya upang tuluyang matuyo. Bihisan ng malinis na damit ang baby na hindi masikip at hindi rin maluwag sa kaniya. Samantala, ang mga senyales naman ng impeksyon na dapat bantayan sa pusod ng baby ay ang sumusunod: Nana sa pusod ng baby Pagdurugo Pamamaga o pamumula ng pusod ng baby Mabahong amoy mula sa pusod ng baby Pagkakaroon ng isa sa mga senyales na sinasabayan ng lagnat Kapag napansin ang mga sensyales na ito sa pusod ng baby na bagong panganak, dalhin agad ito sa doktor upang magamot at mabigyan ng kaukulang medical na atensyon na kailangan. Dahil ang mga senyales na ito ay maaring sintomas na ng impeksyon o kumplikasyon sa pusod ng baby na kung tawagin ay omphalitis. Ang omphalitis ay ang medikal na tawag sa pamamaga o impeksyon sa pusod ng new born baby. Ito ay hindi pangkaraniwan ngunit nakakamatay kapag napabayaan. Samantala ang pagkakaroon naman ng “innie” o “outie” na uri ng pusod ay walang medikal na kahulugan. Ngunit minsan ang pagkakaroon ng “outie” o tila palabas na pusod ng baby ay maaring sensyales ng umbilical hernia. Ito ay dahil sa pressure ng stomach muscles na nagtutulak sa intestines at taba mula sa tiyan ng baby. Ang umbilical hernia ay hindi masakit at naaayos rin ng kusa habang lumalaki si baby. Ang umbilical granuloma naman ay ang tila maliit na kulay pulang bukol sa pusod ng baby na makikita ilang linggo matapos matanggal ang stump mula dito. Hindi naman ito seryosong problema ngunit ang doktor na ang makakapagsabi kung paano ito gagamutin para mawala. Ang tamang pag-aalaga sa pusod ng baby ay hindi dapat binabalewala. Dahil ito ay napakasensitibo na maaring maging banta sa buhay ng isang bagong silang na sanggol kapag napabayaan. Kung makakita ng hindi pangkaraniwan o may agam-agam sa itsura ng pusod ng baby, mabuting pumunta agad sa doktor para makasigurado. Dahil ang katawan ng bagong silang na sanggol ay mahina pa kaya naman kailangan ng mahigpit na pag-iingat at pag-aalaga upang masiguradong maibibigay ang sapat na pangangailangan nila. Sources: WebMD, Mayo Clinic, HealthLine, EMedicine, MyHealth

Đọc thêm

Best advice dalhin mo sa pedia para maresetahan ng meds na naayon sa case ng baby mo. Kay baby ko po after 2 weeks akala ko ok na, kaya continues lng ako sa Betadine mali pala. Then may napansin ako mga natuyong dugo nagdecide agad kmi na dalhin sa pedia. Hindi naman daw ganun ka-worst dhil pinatingin agad nmin. So niresetahan nlng kmi ng MUPIROCIN Ointment. Antibacterial 3x a day. Sa TGP 200 pesos Then huwag daw betadine gamitin dhil matapang siya sa skin ni baby dapat daw any 70% alcohol para linisan then huwag na gumamit ng bigkis para hindi magmoist yung sugat at hindi tirahan ng bacteria at fungi.. dapat Air Dry lang. No bigkis din dhil naiipit yung tummy pwede magdugo. Basta roll down mo lng yung diaper ni baby para hindi malagyan ng ihi at poop

Đọc thêm
4y trước

sa loob po ba nilalagay ung mupirocin?

Nangyari po sakin to nung baby ako, nag 50:50 po ako nun sa public hospital. Hindi na daw ako gumagalaw at nangingitim na. Itinakas daw nila ako papuntang private hospital at dun po ginamot ako at naincubator ng 2weeks. They've found out na mali ung ginawang putol ng midwife sa cord ko at nung nireklamo namin nawala bigla ung midwife.. Kaya wag ka na po mag hintay pa, ipacheck up mo na po si baby..

Đọc thêm

8days lang natangal na pusod ng baby ko. Wag na wag mong bigkisan kasi di talaga matutuyo and gagaling yan. Dapat buhosan ng 70% alcohol hindi patak2 lang ang use cotton buds to clean the insides circular motion wag matakot dukutin sa kaloob looban kasi dead blood cells nalang yan at kailangan mong linisin yan. Make sure malinis na sa loob then air dry.

Đọc thêm
6y trước

Ganun din ginawa ko momshie, tlgang binubuhusan ko. Dlawang beses.

Hindi napo normal yan kasi 2months na baby mo e pa check up nio po yan dli kado yan eh ako nga dalawang baby na ako hindi ko naranasan na ganyan anak ko 4 days pusod nang baby ko gumaling agad alcohol 70% lng ginamit ko at cotton buds sa pag linis.. Check up nyo po baby mo kawawa naman..

Pacheck up nyo na po c baby. Base lng po sa experience ko mag 6days pa lng po baby ko nung nilagnat un pala na infect na un pusod nya. Kya naconfine po c baby for 5days. 1st time lng nmin naranasan na maconfine sa ospital 1 sa mga anak nmin, kaya iniyakan ko tlaga c baby.

Usually after 2-3 weeks dry na dapat yan. Once a day lang linisin ng 70% na alcohol no need to put betadine. Make sure di na air free siya at di natatabunan ng diaper para madali mag heal. Mabaho ba? Kindly check, if so infected yan. Pero to make it sure, pa check sa pedia.

ung baby ko po,hndi n sya nagbigkis.Mas mbilis sya ntuyo.at ung casino alcohol po gnmit ko.mbilis po ksi mkatuyo yun.Direkta ko n nga ipinapatak sa pusod nya.1week lng,ntanggal n sya.Pero sa case nyo po,nid nyo n ipachek up agd.Wag n po kyo magpatumpik tumpik pa.

4months na ang baby ko pero nagtutubig parin ung pusod nia wala namang amoy. sabi sa pedia linisin ko lang daw ng cotton buds with alcohol. almost 2weeks ko ng ginagawa un pero nagtutubig parin sya. meron bang same case sakin dito and ano ba dapat gawin.?

Mommy napatingnan nyo na po ba sa pedia? 1 month kase ok na ok na pusod ng baby ko.. basta pinapapatakan nya lang palagi ng 70% alcohol tapos yung mga blood na tuyo pinapalinis nya ng cotton buds na may alcohol din sa paligid lang wag yung sa loob

6y trước

mommy pag parang may nana it might be infected kaya dapat makita agad ng pedia yan