First time mom
Hello mga momshies! I’m 5 months pregnant. I’m thinking kung ano ano kaylangan namin bilin bago lumabas si baby? Ano yun mga dapat bilin? Any suggestions?
Receiving blankets, bonnet, mittens (marami), booties, baru-baruan, onesies (optional, pang-ootd or pictorial lang), shorts and pajamas (damihan baka magleak poop ni baby), lampin or inserts and cloth diaper (mga 2-3 months na niya kasi puro lang siya ihi lalo na if pure breastfeed), small towels (pamunas ng pawis at kapag susuka or lulungad si baby), newborn diapers (3-5 packs lang kasi mabilis kalakihan ni baby), formula milk and baby bottles (pero best pa rin ang breastfeed lang), baby wipes (use only kapag nasa labas ng house, best pa rin ang cotton and warm water sa pagpunas ng dumi ni baby), cotton buds (paglinis ng pusod ni baby at tainga), isopropyl alcohol, cotton (2 big packs kasi dumi ng dumi si baby), baby bath, powder, oil, thermometer, aceite de manzanilla (kabagin ang mga baby kasi), paper towel (kapag pawisin si baby), wash cloth (magpapaligo), diaper changing pad, pranela, own hangers ni baby para sa damit niya Iyan mga natandaan kong binili ko sis. Sinama ko lang ang breast pump, bottle sterilizer, bottles kasi madalas akong wala sa bahay. Kapag bibili ka ng clothes, medyo malaking size na kasi mabilis niyang kalakihan.
Đọc thêmhi! I am also 7 months pregnant, at sa pagkaka alam ko , bago ka mag labour dapat may handa kanang mga Damit pambata, Diapper for baby and yong adult diapper para sayo, Alcohol, Cotton... yan Po momshies...